Paano nga ba mag move-on? 3 years na kasi akong committed at eto yung pinakaseryosong relasyon na pinasok ko, kaya ngayon pano ako magsisimula? Umpisahan natin kung pano nagsimula ang lahat at kung panong kailangan nang magtapos sa ngayon.
Yung bestfriend kong babae ngayon, si Maxel, hindi pa kami masyadong close noon pero ok na kami. Kakabreak ko lang nun sa kaklase ko tapos sabi nya sa text may pagbibigyan daw sya ng number ko. Sabi ko ok lang tapos ayun nakatext ko na tong lalaking to. Athoz ang pangalan nya. Ilang araw pa nlang kami nagkakatext pero everything is falling to something. Since di naman na ganun kauso ang panliligaw, pinaalam ko lang yung mga favorites ko. Alam ko naman na di sya mahihirapan kasi karamihan sa mga kaklase ko nun e naging classmate din nya nun elem. Hanggang sa ayun naging kami at di rin nagtagal saktong 1 month nun nang bumalik yung ex nya kaya nagparaya ako. Tapos wala na. After 7months nagkausap kami ulit at ayun parang bumalik lahat. Naging kami ulit. Habang nagtatagal, madaming pasgsubok, maraming babae ang nakagulo samin hanggang sa naghiwalay na naman kami na akala ko talaga for good na kasi walan na e. Then one day bigla na naman sya bumalik. Pinuno namin ng masasaya ang aming pagsasama hanggang eto ngayon wala na naman, lagi nalang sya sumusuko, lagi nalang syang natutukso. Bakit ganun binigay ko naman lahat? Deserve ko ba to? kasi paulit ulit na e. Napamahal na ko ng sobra sa kanya pati sa pamilya nya. Ngayon hindi ko na alam kung ano gagawin ko. Oo, nagsinungaling sya, niloko nya ko pero di ko maintindihan kung bakit mahal ko parin sya.
Pano ko tutulungan ang sarili ko na mag move-on kung ako mismo ayoko syang kalimutan. Pero sa ngayon hindi na ganun kasakit kasi nakapag adjust na ko pero ayoko pa talaga na mawala sya. Oo lalayo ako pero di ako nangangako na kakalimutan kita, kasi sa mga oras na to ikaw lang ang gusto kong mahalin.