Para sa taong sobrang minahal ko. Hindi ko alam san ko sisimulan itong sulat. Alam mo naming mahal na mahal kita diba? Pero napapagod na kasi ako. Sabi nila hindi ka dapat napapagod sa relasyon niyo para magtagal kayo. Ang hirap magpakatanga. Ano ba tumatakbo sa isipan mo? Ako ba? Ako parin ba? Ako ba talaga? Sabihin mo naman yung totoo, oh. Hindi yung sasabihing mong ako dahil ako yung nasa harapan mo. Para alam ko kung titigil na ako. Minsan pinaparamdam mong mahal mo ko. Pero madalas… hindi.
Sinabi mo pa sakin noon, kung hindi lang tarantado yung ex mo, pinakasalan mo na siya. Mahal mo parin ba siya? Hindi ba ako sapat? Hindi ba ako worth it sa pagmamahal mo? Ang sakit Mahal. Ang sakit na ikumpara mo ako sa ex mo lalo na sa mga sinasabi mo. Hindi mo man sabihin yung nararamdaman mo sa kanya, pero ramdam na ramdam ko kung gaano mo siya kamahal. Nararamdaman kong pinapanalangin mong hindi na lang sana siya nagloko. Nakakatawa lang isipin na kung gaano ka kabaliw sa kanya, ako naman kabaliw sayo. Hindi naman kita nilandi ah? Ikaw yung lumapit saakin… pero bakit kailangan niyo akong idamay? Bakit kailangan niyo ng isang taong masaktan dahil nasasaktan ka rin? Trinay ko namang tulungan kang kalimutan mo siya.
Bakit sa tuwing nagaaway tayo, ako na yung nasasaktan, ako pa yung sumusuyo sayo? Bakit kapag galit ako, galit ka din? Bakit kapag hindi kita kinakausap, chinachat, tinetext o tinatawagan, hindi mo rin ako itetext, kakausapin, tatawagan or ichachat? Napipilitan ka lang bang mahalin ako? Sabihin mo naman Mahal oh. Sabihin mo ano yung kulang ko.
Bakit pakiramdam ko, ikinakahiya mo ako? Bakit pakiramdam ko, wala lang ako sayo? Bakit pakiramdam ko, may hinihintay kang umuwi? Pakiramdam ko, habang hindi pa siya umuuwi, ako na muna. Second choice kumbaga? Na kapag umuwi na siya, na kapag nakilala mo na siya harap harapan, makakalimutan mo na ako. Ganon ba talagang wala akong halaga sayo, Mahal? Bakit kaya mo akong tiisin? Bakit kaya mo akong hindi kinakausap? Mahal sabihin mo naman… napapagod na kasi akong habulin ka. Napapagod na akong iplease ka. Napapagod na akong mahalin ka. Na sa bawat minute, hindi ka nawawala sa isip ko. Na ano na kaya ang ginagawa mo, namimiss mo kaya ako? Iniisip mo rin kaya ako? Hindi ka rin ba mapakali kakaisip sakin tulad ng ginagawa ko?
Mahal, gusto kitang kausapin. Pero dahil sinusubukan kong magkaron ng pride na wag kang kausapin tulad ng hindi mo pagkakausap sakin, hindi na lang kita kakausapin. Hindi tayo maguusap hanggat hindi ako yung unang lalapit diba? Alam ko namang kapag nabasa mo to, ipapatigil mo na yung relasyon natin. Hindi ka na mageexplain. Yun naman yung gusto mo diba? Na itigil na to. Sabagay, sino ba naman ako para ipaglaban mo? :) Itext nga ako ng hi hello kamusta kumain ka na ba, hindi mo magawa eh. Ipaglaban pa kaya tong relasyon natin. Pagod ka na diba? Nakakatawa namang isipin na pagod ka na pero wala ka namang ginagawa. Ano nga bang ginawa mo sa relasyon natin para mapatibay? Wala naman diba? Lagi mo lang naman akong sinasaktan sa ginagawa mo. Sa mga sinasabi mo. Sorry ha? Babae kasi ako. Sensitive. Sorry ulit mahal ha? Bata nga talaga ako magisip. Immature. Sorry mahal… kung minahal kita ng ganito. Yaan mo, eto na talaga yung pinaka last. Hindi na kita guguluhin. Hindi ko na haharangan yung gusto mo mangyari. Hindi na kita itetext ng maraming I miss you. Hindi na kita kukulitin. Napapagod na rin naman kasi akong habulin ka. Sa attention mo. Mali man lahat ng iniisip ko or sinabi ko, hayaan mo na. Wala ka namang pakielam diba? Kahit ano pang sabihin ko, hindi mo naman ieexplain sarili mo. Kasi wala lang naman sayo. Wala lang naman ako sayo. Pagod na kong mabalewala. Pagod na akong hintayin na kausapin mo ako. Pagod na akong ikaw mauna sa lahat ng bagay. Pagod na akong umiyak gabi gabi.
Bye. I love you.








