Sila pauwi na, ako papasok pa lang.
Ganito kasi yun, dahil sa pagbabago ng sched ng isang subject ko ngayong sabado kaming mga estudyante ang patuloy na nagsa-suffer. Paano? Ganito kasi yun, supposedly dapat 10-1 klase namin ngayong saturday. Dahil daw sa hindi nakapagpa-bakante ng room si dean hindi kami kakasya sa isang classroom. 397 lang naman kami. Kaya hayun pinapili kami, drop the subject or ang pasok qy 4:00-7:00. Kahit ayaw namin wala kaming no choice at talagang walang magandang choice na binigay si dean. Ano pa bang magagawa namin kung yan lang talaga ang available na oras pero hayun hindi yan yung kwento ko. Haha sorry na ang haba ng intro ko.
Kanina after ng gala, dirediretso pasok na ko sa school. 3:00 na kami nakarating sa bahay tapos 4:00 pasok ko, madaliang bihis eh natatae pa ko kaya lang di ko na nagawa kasi may naliligo sa cr ang saklap bh3. Umalis na lang ako kahit masama tyan ko. Nag lrt ako, ilang beses akong pinapaupo ng mga kasabay ko pero tumatanggi ako dahil kapag umupo ako baka mas lalong magalburoto tiyan ko haha. Tinakbo ko simula central station hanggang sakayan papuntang ntc. Traffic pa hayun na late ako. 30 mins late ang lola mo, eksena pa ko kanina nakakahiya pero bumawi ako kay maam. Recite ako ng recite haha bidabee ako kanina, natuwa naman sya give chance to others naman daw haha.
Hayun sobrang saya na nakakapagod ngayon tong araw ko, thank you Lord :)