It's been a year since me and my ex- boyfriend broke up. Magmula nung araw na naghiwalay kami, hindi ako pumayag magpaligaw. In short, sarado ang puso ko pagdating sa buhay pag-ibig. Una dahil masaya na ako sa kung anong meron ako, pangalawa is takot akong masaktan ulit. Dahil hindi lingid sa kaalaman ng iba na ako'y galing sa isang nanadurog pusong relasyon. :) Nagmahal, niloko, nasaktan, iniwan. Kaya ganun nalang siguro yung takot kong mahulog ulit. Bawat araw na lumilipas, nararamdaman kong malaya na ako, at sobrang sarap sa pakiramdam. Marami akong nakikilalang kaibigan, nagagawa ko yung gusto ko. Kasabay ng pagkakaroon ng bagong kaibigan ay ang pagkakaroon din ng mga manliligaw. Pero dahil sarado ang puso ko sa mga ganyang bagay, ang ginagawa ko kapag nakakaramdam akong parang may something yung guy sakin, iniiwasan ko kaagad 'to. Ilang lalake din ang iniwasan ko dahil takot akong mahulog, takot akong masaktan. Isang araw nagpunta kami ng Batangas. Naging masaya naman ako, nagouting kami. Tapos nakapnuod din ako ng liga doon, laro yun ng "DE CHAVEZ CLAN" na ang iba sa mga member nun ay pinsan ko. Ang kinagulat ko ay ang isang lalaking medyo bata sa na isa sa mga miyembro ng De Chavez Clan. He looks familiar, then tuwang tuwa ako habang naglalaro siya. Hindi ko akalain na siya ang pinakamagaling sa grupo nila samantalang siya ang pinakabata. And I admire him for being a good player and a cute guy. Haha! Habang pauwi na kami, iniisip ko pa din kung bakit familiar yung face nung lalake(RENZ DE CHAVEZ). Then suddenly I realized siya pala yung escort ko sa entourage ng pinsan ng papa ko. Hahahaha! Dali dali kong hinanap ang picture namin at agad kong sinave sa aking cellphone, ginawa ko pang wallpaper. Hahahaha! Nung nagkaron ako ng time na maginternet agad ko hinanap yung facebook niya. But sad to say he has a girlfriend. </3 then after kong gawin yun, nung mga araw din na yun e pumunta ako sa kabilang court hinanap yung mga pinsan ko. Nanuod kming game, nagasaran, namburaot, nagkulitan. Nakikain ng dinner sa bahay ng tita namin. Pero sa mga panahong iyuun iniisip ko pa din si Renz. Hayy grabe. Nagtanong p ko sa kaibigan ko kung totoo ba tong pagkakacrush ko kay Renz, alam niyoang sinabi niya? Sabi niya " Teh! Ano ba yan? First timer lang magkacrush? NagkaBF na di p alam kng pano magkacrush?!" And I was like " Ugh. Bat nga kaya hindi ko alam un? Nagkabf na ko nakalimutan ko n ung pano magkacrush. HAHAHA! Pero sa maniwala ka't sa hindi, nalungkot ako sa pagkakaalam na may girlfriend yung crsuh ko. -,-