VIRUS
📝ᴠɪʀᴜs
💬ɢᴏᴏᴅᴇᴋᴢᴀᴍᴘᴏʟ
x x x x x
I have a girlfriend, Ella. Masayang-masaya kaming naglalakad sa park.
Naghahawakan kami habang naglalakad at kumakain ng ice cream.
"Kawawa naman nang mga taong na-infected ng virus 'no?" Biglang sambit ni Ella.
"Psh, 'wag ka ngang maniwala diyan. Hindi totoo ang ganyan."
Tumingin si Ella sa akin, "If ever magkaroon ako ng virus, lalayuan mo ba ako?"
Napa-iling ako. "Ewan ko sayo, tara na nga at umuwi na tayo."
Lumipas ang ilang araw, wala na kaming komunikasyon ni Ella at hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya.
Hanggang ngayon ay hindi pa din ako naniniwalang may corona virus sa Pilipinas.
Namiss ko na ang girlfriend ko kaya nagpasya akong pumunta sa kanila.
Nagtataka ako kung bakit parang balot na balot ang mga tao sa Barangay nila.
Nung kumatok ako sa pintuan nila ay pakiramdam ko pinagtitignan ako ng mga tao at parang ayaw pa nila akong papasukin sa loob ngunit binuksan iyon ni Tita at nakasuot ito ng mask.
"Magandang umaga, Tita. Pwede ko bang maka-usap si Ella?"
Tumango naman siya at binuksan ang pinto kaya pumasok ako.
Sa lahat ng sulok ay puro hand sanitizer at alcohol nakikita ko.
Kumatok ako sa pintuan ni Ella, "Pasok." Rinig kong sabi niya at umubo pa ito.
Pagpasok ko ay laking gulat ko na nakahiga ito na may mask at mga oxygen na naka-lagay.
"B-Babe? A-anong nangyari sayo?" Nagtatakang tanong ko at nilapitan siya.
Ngumiti siya sa akin, "N-Na-infected ako. M-Mayroon akong Virus." Hirap na hirap na sambit niya at napaubo naman kaya napa-atras ako.
Kung totoo man ang sinasabi nila, kailangan ko nang makalayo sa girlfriend ko.
Tatalikod na sana ako nang "Saan ka pupunta?"
"Aalis na ako, siguro dapat hindi na ako pumunta dito."
"Alam mo ba ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng virus na 'to?"
Napalingon ako sa kanya. "Hindi. Magpagaling ka, lapitan mo nalang ako kapag magaling ka na."
Aalis na sana ako ng tumawa siya. "Ano? Lalayo ka sa akin? Dahil ano? Takot ka?"
"Lalayo ako para sa sarili ko at para sa sarili mo."
"Bakit ka ba natatakot?"
Napalingon ako sa kanya. "Hindi mo ba nakikita ang sarili mo, Ella? May sakit ka at nakakamatay pa! Corona virus na yan! Oo, hindi ako naniniwala sa una pero ikaw mismo ang nagpapaniwala sa'kin."
Biglang tumulo ang mga luha niya, "Bakit ka natatakot? Ako nga hindi ako natatakot na mahawaan ng sakit na 'to dahil mahal ko siya."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Anong mahal?! "Mahal? So ibig sabihin nito, may mahal kang iba?"
"No Mike, it's you. May corona virus ka. Hindi mo ba pansin na nahihirapan kang huminga, na minsan nagkaroon ka ng mataas na lagnat at inuubo pa pero ako? I stayed by your side."
"Mahal kita pero it hurts na ikaw, hindi mo ako kayang ipaglaban dahil lang dito."
Nanlaki ang mga ko at inuubo ako, kung tutuusin mas grabe pa ang ubo ko dahil may dugo pang lumabas sa bibig ko.
It makes sense,
May corona virus ako at ako ang dahilan kung bakit nagkaroon din ng corona virus ang girlfriend kong si Ella.










