Gan'to ba talaga ang feeling ng ikakasal. Konting kibot lang, grabe na ang iyak ko. O tama ba ang sinasabi ng partner ko na sobrang sensitive ko? Hindi nga siguro valid yung feelings ko. OA ang response ko sa mga bagay bagay.
Nakikisama ako sa lakat ng events ng family and relatives niya. Ang iniisip ko, soon, magiging kapamilya ko na rin naman sila. Pero ba't ganon?
Parang kulang pa rin. Yung mga araw na 3hrs na lang itutulog ko kasi kaylangan makisama sa nanay at tatay niya kahit weekdays at may pasok pa ako sa gabi. Kesyo rest day niya at maaga ang uwi ng nanay niya. Ako ang laging nag aadjust. Pero bakit ganon?
Yung kasal. Lahat ng lapses sa pagpaplano, sakin ang sisi. Lahat kasi ng tao kaylangan i-please, except sa'kin. Gusto ko ng intimate wedding pero dahil gusto ng reunion ng nanay at tatay niya, nauwi kami sa 100 guests. Ngayon parang aabot pa kami sa 150 guests.
Nasabihan din ako na kesyo hindi raw ako makapag decide kung ano ang motif. Pero ang totoo, lagi kasing may comment ang nanay niya. At ang number one consideration ay wala kaming gagastusin. Ni ultimo infinity dress na less than 400 each sa shopee para sa limang babae sa entourage, ayaw niyang gastusan.
Tapos ngayon, nagkamali ako sa pangalan ng ISANG ninong sa printout. Parang pinagsakluban ng langit at lupa yung partner ko at may mali raw. To think ha na 15 pesos lang ang paprint. Walking distance sa bahay nila. Effort daw kasi puntahan. 😅
Ito na nga lang yung maiDDIY ko. Na ayaw pa niyang iconsider na DIY, at hindi naman daw from scratch lahat. Kundi, customized daw ang tamang term at magastos din daw.
Medyo nakakafrustrate na. Tama pa ba 'tong desisyon ko na magpakasal?
Hinihila na lang ako ng kahihiyan. Kasi nakapagsabi na sa mga magiging ninong at kamag anak. Pero sobra na yung stress. Parang hindi ko na rin nagugustuhan yung ugali na pinapakita ng partner ko. Sabi nila magiging 10x daw 'to kapag kinasal na kami.
Parang hindi ko ata kakayanin.
Nasa tamang landas ba ako?
Habang nakaupo ako ngayon dito sa sala. Napapaisip ako.
Mahal, ikaw lang ang dahilan bakit tinitiis ko na mag-isa dito sa bahay. Isa ka sa dahilan kung bakit hindi ako umaalis sa work. Kailangan kong magbayad ng monthly amortization para sa kinuha kong bahay para sa'tin. Kung tutuusin pepwede akong umuwi ng probinsya kanila mama at magsimula doon. Hindi ako papabayaan ni papa. Tutulungan niya ako makapaghanap ng trabaho. Pero hindi e. Nag-decide akong bumalik para sa'yo.
Tama nga ba ang desisyon ko?
















