We hope, love and care as one, this too shall pass.
Today's Document

if i look back, i am lost

ellievsbear

Origami Around
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
Peter Solarz
No title available
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ

shark vs the universe

❣ Chile in a Photography ❣
almost home
NASA
EXPECTATIONS

Kiana Khansmith
Jules of Nature
Sade Olutola
occasionally subtle
Claire Keane

blake kathryn

seen from Kenya

seen from United Kingdom

seen from Türkiye

seen from Malaysia
seen from United States
seen from Australia
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia
seen from Hungary

seen from Singapore
seen from Egypt
seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United Kingdom
@hebrjenn09
We hope, love and care as one, this too shall pass.
at Ipil https://www.instagram.com/p/B7qmTR8lf-T/?igshid=362iavwe8olg
Siguro..
Nakakatawang iniisip mo na ok lang, na pwede pa uli tayong magkabalikan kung di talaga kayo ang inilaan, nakakatawang isipin na tatanggapin ko lang, lahat ng pasakit na binigay mo sa aking kalooban. Siguro nga ay mahal pa kita, siguro nga galit lang ako ng pansamantala. Pero wag mong isiping ako ay tanga, hahayaang ulitin mong masaktan ako at ipagpapalit nanaman sa iba.
Siguro nga makakaya kong magpatawad sa huli, kaya kong hindi na magalit at manumbat, pero ang lumimot at di na isipin ang mga nangyari, mukhang malabo alam mo kung bakit. Matalino ako sabi nila, pero nagpakabobo kasi sabi mo mahal mo ako, kasi sabi mo ako lang, pero makalipas ang labing isang taon? Tinapon mo ang lahat ng iyong pangako.
Sa ngayon alam kong Masaya ka pa sakanya, sa ngayon alam kong nagpapakasasa ka sa pagmamahalan inyong nabuo, nabuo habang ako ay naghihintay sayo, pero naniniwala ako sa karma, alam kong lahat ng aking naranasan, tutumbasan mo o hihigitan pa. Bitter ako sa ngayon oo! Lahat magiging kagaya ko kung ginawan ng kalokohan ng kagaya ng ginawa mo, wag kang magpakasaya sa sakit na aking tinatamasa, isipin di habang buhay mananatili ako sa ganitong estado.
Kapag dumating ang panahong ako’y sumaya ulit, harinawa ikaw ay nasa ganito pa ring estado, dahil di ko alam ang aking mararamdaman, kung pagdating ng panahong yaon, ikaw naman ang nag-durusa kasi sinaktan ka rin niya. Magkikita tayo sa hinaharap, sisikapin kong ok na ako pagdating ng panahong yaon, hindi dahil gusto kong ipamukha sayo, na kaya kong umahon ng wala ka, ngunit dahil alam kong karapatan kong lumigaya, kahit di na ikaw ang kasama.
Paano nga ba?
Papaano nga ba malalaman ng isang tao na ok na siya pagkatapos ng break -up ng relasyon na umabot ng napakaraming taon? Papaano mo malalaman na nakapag-move on ka na?
Pag naaalala mo siya o yung mga sandaling magkasama kayo eh di ka na nasasaktan? Sa halip na umiyak ay napapangiti ka na? Sa halip na murahin mo siya sa isip mo, naiisip mo na rin minsan na baka nga talagang di kayo para sa isat-isa? Na may mga pagkakataon naiintindihan mo kung bakit ka niya pinag palit sa iba. Na baka sadyang iba ang inilaan ng Diyos para sayo.
May mga pagkakataon nga na napapaisip ako ng ganito, na ok na ako. Somehow,I am slowly steping away from the past where we used to be very happy. Sinasabi ko sa sarili ko na di na ako masyadong ampalaya ngayon kasi, nung dumaan ang first anniversary nila, hindi na ako nagalit at hindi ko inalala na naging sila habang kame pa. Hindi na ako napapa-iyak sa self pity. Na nadeadma ko na. Di na gaya ng dati na sa tuwing naiisip kong masaya sila, ako nag-iisa. Hindi naman talaga ako nag-iisa pero madalas feeling ko i am alone. Hindi ko na madalas ikinokom-pair ang sarili ko sa babeng mahal niya ngayon. Ok na ako, yan ang lagi kong inilalagay sa isip ko.
But, there’s always a but kapag napapaisip akong mag-sulat eh. Kung talagang ok na ako, bakit wala pa rin akong interest makisalamuha sa iba? Kung nakapag-move-on na talaga ako, bakit till now, feeling ko pag ini-entertain ko mga nanglalandi sakin, it’s like I’m cheating or something like that. Bakit nga ba yon? Bakit sa tuwing inaalala ko na noon ako lang ang para sakanya, ang sarap balikan at naiisip ko na sana hindi lahat nang-yari ang mga nangyari. kasi nga ba dahil ang totoo, hindi pa ako ok? At the back of my mind, I’m still wishing na magkakatotoo ang gusto ko deep inside? Kailan naman kaya darating yung totoong OK NA AKO? Sana soon...
Bobong Faithful
Minsan talagang nakaka bobo ang pagiging faithful, lalo na kung ito ay nakalaan sa isang tao kasi sobrang mahal mo. Kahit alam mong isa kang tao na alam ang tama at mali, ang nakakabuti o nakakasama para sa sarili , di mo ito nagagamit, bakit? Kasi nga nasa pagkatao mo na if you’re faithful to a certain person, you stick to it. Kahit pa saktan o sinasaktan ka na, kahit pa hindi kana masaya, kahit alam mong selfish na siya at sariling kaligayahan niya na lang ang inaalala niya.
Nakakatawa pa nito, even if niloloko ka na, magpapanggap ka parin na wala siyang ginagawa sayong masama. Magtitiis ka kasi iniisip mo, mas ok ng niloloko ka niya pero sayo pa rin umuuwi, ok lang na hindi na siya masaya sayo, ang importante, kahit masaya man siya sa iba, masaya ka pa rin kahit na papaano nasayo pa rin siya. Kahit na papaano, nararamdaman mo pa rin ang pag-asa na kayo talaga hanggang huli, na kahit papaano mahal ka pa rin niya kahit kaunti, kasi kundi na, di sana pinamukha niya na sayo na may mahal na siyang iba, na dina siya masaya sa piling mo. Kahit na papaano ay tinatago niya pa rin ang panlolokong ginagawa niya kasi ayaw ka rin naman niyang saktan.
Ikaw yung taong kahit na konting pag asa na lang eh panghahawakan mo pa rin. Tawag sayo ng iba martir or di naman kaya masochista, pero ano ka nga ba talaga? Bakit hinahayaan mong maging mang-mang sa mga nangyayari o ginagawa niya basta lang kasama mo siya, ang taong mahal mo, o basta lang na matawag mong sayo pa rin siya. Feeling ko talaga, ganito ako kasi gusto kong patunayan sa mga tao na matatag ako, na kahit isa sa aming dalawa ay lumalaban para sa relasyong ilang taon naming pinundar, na ang totoo ay kame talaga hanggang sa huli, na trials lang ang lahat. Ganito ako kasi alam ko rin naman sa sarili ko na may mga pagkakamali at pagkukulang ako, na di ako perpekto. Kaya may mga dahilan kung bakit siya nagka ganoon at bakit ako sobrang nasasaktan ngayon. Na natatakot talaga akong isipin na di ko na siya makakasama, nasanay na akong anjan siya, naka sentro na sa buong pagkatao ko na walang iba para saming dalawa kundi ang isat-isa.
Ilang taon ding hinarap naming ng sabay ang lahat ng pag subok, ilang taon ding karamay naming ang isa’t –isa kaya ayokong mawala yon. Ilang taong sabay naming pinangarap ang gusto naming buhay hanggang sa aming pagtanda. Sinong magsasabi na madaling bitawan yan? Pag sinabi mong madali nga, niloloko mo pati sarili mo, di madali, sobrang hirap, pero hindi rin naman imposible, magagawa mo naman pag sagad ka na, pero again, sobrang hirap, feeling ko katapusan na ng mundo ko, end na, redundant kasi feeling ko malala pa sa “the end” eh, yun ako eh, walang plan B kasi you’re very sure to yourself na hanggang wakas kayo na, ni minsan di mo ginawan ng plano ang pag tanda ng mag-isa, o pag tanda na iba na ang kapareha, siya lang talaga kasi nga faithful ka.
So walang back up plan, so stick ka na lang sa original plan hanggang matuyo na tear ducts mo, hanggang lamunin na ng insecurities ang buong pagkatao mo, some would say it’s pathetic, again, yan ako eh, magagawa mo dun? Stuck ka na ganun lang? eh papano pag siya na ang umamin, pano pag din na niya kayang itago na may mahal na siyang iba? yun ang dead end para sa pakikipaglaban ko, game over na, kasi para sakin, may napili na siya non, din na siya takot na malaman mo kasi kaya niya nang wala ka na. Itatanong mo, akala ko ba martir ka? Di mag makaawa kang wag ka niyang iwan, ito naman ang sagot ko sayo, martir nga ako, kasi the fact na inamin niya ng may mahal na siyang iba, meaning gusto niya nang sumaya ng lubusan, kasi nahihirapan na siyang kasama ka.
Nanahimik ako ng sinabi niyang may mahal na siyang iba, kasi ayokong may lumabas sa labi ko na kataga na makakapag pabago ng isip niya, na sa bandang huli, pag sisisihan niyang nakinig siya sa akin at tiyak babalikan niya yung taong handa ka niyang sukuan sana. Nakakabobo ang pagiging faithful, kasi iisipin mo pa rin ang feelings niya sa bandang huli, kahit masaktan ka, ok na lang din, faithful ako, hindi ako namimilit ng tao para maging faithful sakin. Gusto kong sumaya siya, kasi yung lang ang kabayaran ng pasakit na naramdaman ko ng sinabi niyang handa na siyang iwan ako.
---to be continue…
Little busay, pukutin - sibulao vitali, zamboaga city.
My day of Valentine..
I can't call myself being alone, for I am in a relationship right now. But that person can't be with me right now, talk about LDR (long distance relationship). I could say this is not a big deal for whatever can modern technos' can do today, but still it's not the same as we're together, like all those 5 years ago, we spend each valentines day together. We had such a happy time together and I terribly feel sad today reminiscing . One of my FB friend earlier ask how was my valentines day today, for his was lonely and cold, I told him I am happy today, I don't know why in the world I lie, whew!
everything pays..
What are words if you really don't mean them when you say them What are words if they're only for the good times, then they don't What is love yeah you say them out loud those words, they never go away They live on, even when we're gone....
from the lyrics of the song "What are Words" by Chris Medina
Grow Old with YOU..
So how does tumblr work? I'm new ._.
Welcome, and sorry, you’re stuck here…FOREVER.And that’s how it works (:I hope you have a great day.
haha.. what a helpful retort that was matialonsorphoto..