Benilde? La Salle? Letran?
Ang bilis ng panahon. Malapit na kami grumaduate. Eto, nahihirapan ako mag-decide para sa college ko. Hindi kasi ako nakapasa sa UST, ang dream school ko. Di ko naman kasi alam na quota pala yung course na pinili ko. Psychology & Behavorial Science. Sa Benilde, For Interview ako. Sabi nila, madali lang daw makapasa dun. Madali nga makapasa pero ang mahal naman ng tuition fee nila. Pero baka mag scholarship ako. Di ko naman gusto yung mga courses dun para sa for interview ko. Sa La Salle, may special exams pa sila. Di ako naka-apply last year eh. Pwede pa ako humabol dun. Nangongonsensya ako kay mommy kasi ang mahal ng application fee nila. 600. Pag di ako nakapasa dun, binalewala ko na lang yung 600 niya. Eh andun yung gusto kong course. Sa Letran, choice ko lang yan. Sister school kasi ng UST. Wala na kasi akong ibang makitang school eh. Sabi ng ibang classmates ko, di daw agad natatanggap sa trabaho. Pangit daw dun tas ang layo pa. Eh gusto ni mommy sa Benilde ako. Kakayanin niya daw. Shet ang sweet :( Pag ako talaga nagkatrabaho, bibigay ko lahat sa kanya yung mga binigay niya sa akin.
Ano, mag tetake ba ako sa La Salle? Paano na kung di ako pinasa sa Benilde? Paano ako? daming tanong :( Lord, kayo na po bahala sa akin.

















