Ngayong araw mas lalo lang lumakas ang pagdududa namin ni Jiro sa kursong kukunin sa kolehiyo.
Kilala ko na si Jiro noong ika-huling taon namin sa Junior High, may mga pagkakataong nakakapag usap kami ngunit hindi mahaba, kumbaga usap magkakilala. Naging kaklase ko siya sa unang taon ko sa Senior High, akalain mo nga naman, ABM din ang pareho naming kinuha.
Panahon pa lamang ng enrollment, hindi na buo ang loob namin. laging practicality vs. passion, hanggang sa tuluyang nililimot ang mga naunang pangarap para lang sa ginhawa sa buhay sa hinaharap, practicality OVER passion. Wala ng lugar sa puso at isip namin ang kasiyahan sa lugar kung saan talaga namin gusto. Pwera ngayon, pareho kami nag rereview para sa UPCAT 2027— noong una kung saan pumili ng kurso sa application, buo pa ang loob. Pero habang tumatagal, hindi na. Maraming kurso na ang pumapasok sa isipan naming dalawa. Siya, “try ko kayang mag communication? baka doon sumaya.” Nasabi ko rin na, kung hindi lang talaga kailangang i-consider ang pera, baka ako na ang sumunod na Ces Drilon o Kara David na mamamahayag sa Industriya. Gusto ko ring kumuha ng kursong pangkalikasan—Forestry, Fishery, Agriculture, Agricultural Biotechnology, Botany—Name it. And because of being the last card of the family, unfortunately, I couldn't take it. Hindi dahil pakiramdam ko ay hindi ko kaya, kung hindi dahil, baka ang sweldong matanggap ko ay hindi pa sapat para bumuhay ng pamilya.
Wala namang big deal, kahit ilang beses naming ipaalala sa sarili na—Isang beses ka lang mabubuhay sa mundo, bakit BS Accountancy pa ang kukunin mo? Hindi pa rin mababago ang kapalaran namin. Pero isang bagay ang sigurado ako, hindi man namin matutupad ang mga malalalim naming pangarap dahil sa kurso at trabahong kukunin namin mula sa praktikalidad, magiging masaya kami dahil nakakapag provide kami sa pamilya.
Pero kung talagang ngayon palang ay mayroon ng stabilidad ang buhay, hindi mo kailangang mapagal, hindi mo kailangang magduda at hindi mo kailangang matakot sa kinabukasan— Si Jiro, maaaring ituloy ang kursong Komunikasyon, o kaya naman pag-aralan ng Photography, hindi lang basta kukuha ng litrato, bibigyan din niya ng kwento. Baka tulad ko ay kumuha rin siya ng kursong Journalism para maging Broadcaster o Newscaster o kaya naman raw ay UNICEF volunteer o maging isang guro o kahit pa maging Traveler. At ako, maaaring maging isang ganap na mamamahayag sa telebisyon o kaya naman isang eksperto sa saribuhay tulad ni Celine Murillo. Mamamatay kaming natupad ang pangarap.
Kaso hindi, eh. Mamamatay lang kaming nagtatrabaho at nagugulumihanan sa takot kung ano ba ang magiging estado sa laylayan.
— incompetentapex2835













