December 11, 2019 10:51pm
Hi, it’s me. I’m writing again.
Kakatapos ko lang maligo. Very motivated ako magpaganda. Ayusin ulit ang sarili ko. Sobrang naging pabaya na pala ako.
Break na pala kami. Kanina lang. Sa loob loob ko parang di pa totoo kasi naghiwalay kami ng maayos. Umaasa padin na magkakabalikan padin. Ang dami kong what ifs. Sobrang dami. Isa na doon yung what if hindi kami magkalayo? What if tuwing nag aaway kami ng ganito, isang yakap, isang halik magiging okay na ba ulit? Who knows. Napakatraydor naman ng LDR. Sobrang nakakalungkot na maghihiwalay ang isang tao dahil sa layo. Napakawalang kwentang dahilan. Ang dami kong gustong sabihin. Ang dami kong gusto ikwento. Gusto ko siya ichat para bawiin lahat ng mga sinabi ko kanina. Na bati nalang kami ulit pero I think this is the best for both of us. Siguro bahala nalang. Ayusin ko din muna sarili ko. Kala ko kasi nasusunod ko yung plano ko pero hindi pala. Akala ko okay ako pero hindi pala. Sana maging okay siya. Sobrang proud ako sakanya sa totoo lang. Ako naman talaga may kasalanan eh. Tangina kasi ng utak ko. Di ko na alam ano ba meron dito bakit hindi makalimot.
Kahapon pumunta pala ako simbahan. Pinagdasal ko sarili ko, pamilya ko, mga kaibigan ko. Nagpasalamat din ako. Naalala ko pinagdasal ko nga din pala kaming dalawa. Sabi ko pa “Lord, kung hindi para kami, wag mo nang patagalin pa” nakakatakot! Ang bilis naman nun Lord! Eto na ba yun, or challenges mo lang ‘to samin kasi diba pinagdasal ko din na patibayin mo kami. Haaaay Lord. Gabayan mo ako please.
So maiba muna ako, nagresign na pala ako. :D Kakainis nga kasi sabi ko hanggang January 2 lang ako pero pinag eextend pa ako hanggang January 10. Haynako. Pero baka di na ako tumuloy. Bahala sila basta January 3 lang ako ang pinakamatagal kong iextend. Sayang yung mga benefits ko don sa work ko ngayon, hindi HMO ah. Kung hindi yung chill work, mga pagkain, pwede ako magprint ng kahit ano lalo na sa planner ko haha. Pero para sakin ‘to. Uy oo nga noh, kahit masakit para sakin na iwan ang work ko, alam ko naman na ikabubuti ko din ang susunod na mangyayari. Naks parang yan din yung sinabi namin sa isa’t isa kanina ah. Lol
So anyway, alam naman niya kung gano ko siya kamahal. Siguro pahinga nalang muna kami. Bata pa naman kami. Lalo na siya. Decided na talaga ako bumili ng Hobonichi 5 year planner. Mga ganitong oras ang sarap magsulat eh tapos babalikan mo yung year na yun na ganito pala yung naramdaman mo.
Lord, ikaw na bahala sakin. Still, sobrang thankful padin ako sa lahat. Antok na ako. Itutulog ko nalang ‘to. Next time nalang ulit, tumblr!