Yung batch ng crush ko kung ano ano pinapagawa sa kanila sa BU Subject nila hahahahahaha. Ewan ko lang kung sulat nya yan pero inlove na ata ko sa sulat nya.
TVSTRANGERTHINGS
occasionally subtle

shark vs the universe
Peter Solarz

★

Discoholic 🪩

roma★
🪼
KIROKAZE
trying on a metaphor

if i look back, i am lost
DEAR READER

tannertan36
taylor price
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH

No title available
$LAYYYTER
Cosimo Galluzzi
noise dept.
ojovivo

seen from United States

seen from United States
seen from Morocco
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Israel
seen from United States
seen from United States
seen from Syria

seen from Malaysia

seen from Malaysia
@introvertdawako-blog
Yung batch ng crush ko kung ano ano pinapagawa sa kanila sa BU Subject nila hahahahahaha. Ewan ko lang kung sulat nya yan pero inlove na ata ko sa sulat nya.
Mangmang
Lagi na lang pag papasok ako nagmimistula akong mangmang. Di kasi ako nagccheck ng social media dahil busy kakagawa 🎓🎓🎓 Kahapon kasi dapat di ako papasok. Pero sabi ko sa sarili ko pasok lang baka kasi madrop ako sayang din yun. Kamusta na road to picc ko haha so pumasok ako. Tahimik ng lahat beshie. Walang imikan sa room. Tinanong ko si shayne anong meron tas prelim exam nga daw. Hahahaha wa akong alam!!! Di ko alam na may exam pala antanga sobra. So ayun nairaos ko naman kasi inulit lang halos yung quiz namin. Haha bait bait naman ni arabo 😂 Arabo kasi mukang arabo si sir tsaka galing daw sya saudi gege sir oo na lang. basta pasa mo ko
Thoughts on moving out
Of course alone. Siguro mas magiging messy life ko? Ewan. Sabi nila go out of your comfort zone para maging mas better person. Para mas maging masaya pero puro ako “pero” sa lahat ng good things na iniisip ko para sa sarili ko. Puro ako “baka ganto”, “baka ganyan”.
Nakakaumay. FRVRALONE. Nakakabaog. Kain na lang!
Sawa na din dito sa bahay. Parang need ko na ng new home. Di ko alam kung bakit lately gusto ko na bumukod. Di naman sa living hell bahay namin kasi masaya ko sa parents ko at di ako nagugutom. Pero parang sumosobra na ko e. Nasakin na yung mali. Gets mo ba?
May gusto lang siguro ako patunayan sa sarili ko. Kasi ano ba naman diba duhh bente uno ko na pero nakasandal pa rin ako sa parents.
Ah ewan gutom lang to hahaha
shomaiprinceeeeeeee 😉
First impression ko talaga sayo nung nagkita tayo ay snabero. Haha lintek na di parin ako maka move on dun. Haha jk 😅 Tapos sa buong nagkasama tayo hindi ata tayo nag-usap? Tapos ilang oras na bago ko nalaman url mo at natapos yung araw na yun na hindi ko alam yung pangalan mo. HAHAHA pero nung nakachat ko na friendly naman. Sadyang di pa lang talaga kami close noon. Pero mabait to kasi manlilibre ng shomai pag-umuwi siya dito 😊 Ang kumontra di na ulit makakatapak ng gapo hahaha
Hahahaha shy kasi ako HAHAHA hindi naman talaga si @introvertdawako yung introvert. Sinungaling yan si ate da. HAHAHAHA sisiraan ko siya hahaha. Ako yung mahiyain HAHAHAHAHAHA saka pano ba naman tayo maguusap ang tahimik mo. Kaya its a tie HAHAHA
Tie tie ka jan. Tali ko kayong dalawa e hahaha mwa damay mo pa ko :(
Kinnnnaaam!
Late namaman ako pumasok as usual pero iba to kasi akala ko last meeting pa yung quiz namin. Akala ko zero na ko sa quiz na yon pero hindi. Ngayon pala sya ginanap. So walang review review to. Sagot lang ng sagot kahit feeling ko mali mali lang. Puro stress nabasa ko sa questionnaire puchat pati ako din nastress. Sana pasado. Aaaaaaand otw home may pogi sa may kanto napa "lord let him be straight and no jowa" ako. Hahaha may inspiration nanaman ako sa paglabas labas ng bahay 👯
College buddies?
To my college tropas:
I miss you all na. 2 sems ko na kayo di kasama at yun yung pinaka malungkot na moment ng college life ko. Congrats nga pala sa mga nakagrad kahapon lang. Mygaaaahd iniwan nyo na ko ng tuluyan. Miss ko na yung mga biglang lakad yung mga biglang cutting kasi kailangan gawin yung mas mahalagang subject ugh. Miss ko na yung mga tawanan and kulitan, yung sasabihin mag ccr lang pero bumibili lang talaga ng isaw. Parang kahapon lang.
Clear pa lahat sa utak ko simula nung first day natin sa college, yung paghahanap ko ng setion C pero wala naman palang C kasi A and B lang. Pahiya ako non. Yung kilig kilig moments tuwing eepal tayo sa B para lang makita si crushie. At yung pangongopya natin ng assignment sa math kay Joy kaya maaga pa sa 7:30 nasa gazebo na tayo. Pati yung mga profs natin na sa pwet lumalabas boses lol hahahaha
Sana lang di nyo ko makalimutan. Di ko kasi kayo malilimutan. Kahit na iniwan nyo na ko sa ere. Ako naman next. Sayang lang kasi di ko na kayo makakasabay sa pag marcha kasi nga mga puta kayo nauna na kayo :( haha. Ayon tuwing may gagraduate na friends ko naiiyak ako. Bye..
Kasi po..
Nagiisip ako ng excuse sa prof ko kung bakit di kumpleto gawa ko. Sana lumusot tas patuluyin ako sa final defense jusko parang awa mo na po sir. Kahit paglabahin mo ko sainyo basta ipasa mo ko hahaha. Angwaley ng mga rason na naiisip ko. Maski ako di ako kakagat sa mga rason ko e. "Sir namatay po kasi ako ng 2 weeks kaya di ako nakagawa. Kakabangon ko lang sa himlayan" "Sir natokhang po kasi kami nakulong ako ng 2 weeks" "Sir *iyak na lang*" Sir Sir..
DEAR PLDT FIBR,
FIBR na po ba to? 20 mbps ba to? Bakit antaas ng ping ng kapatid ko habang naglalaro at bakit nagbbuffer spotify ko?
WATDUFQ IS WRONG GAIZ?
Matinong internet lang naman hinihiling ko. Is that too much to ask for mga be?
I HATE TWITTER SO MUCH
5
“Yan si sir ano di yan nambabagsak ng estudyante kasi ayaw nyang magkaron ng grudge estudyante nya sa kanya tsaka baka daw ipapatay sya”
Usapan nanaman namin ng batchmate ko kanina yung bagsak bagsak kasi common samin yon. Okay don’t judge we study architecture.
Di namin magets yung ibang prof bakit pag sila prof namin bagsak agad. Yung di pa nagsisimula sem basta nalaman mo na sila prof e alam mo na agad na bagsak. Tapos etong prof ko dami dada sa fb kesho di daw kami natututo kasi di kami nakikinig? Kesho wala kaming interes sa architecture? Kesho di kami pumapasa sa standards nya kaya nya kami binabagsak?
LUHHHH!!
Sana alam nyo din na umpisa pa lang ng sem pag kayo prof tamad na tamad na kami. Yung kahit ibigay best e 70 lang tapos yung average na gawa e 55 lang. Di ko talaga magets e. Pero kahit ganun pa man, tinatanggap ko yung mga singko nyo ng walang angal. Ginagawa ko na lang motivation lahat 5 sa grade card ko para maging better person. Kahit di na better student e kasi alam kong wala akong pag asa dun.
Eto pa.. Diba pag magaling yung prof magturo, gaganahan ka na kahit di naman sya yung fav prof mo. Yung kahit na akala mo wala syang magandang tinuturo e naiinstill yung concept ng tinuturo nya sa isip mo. Wala nun yung mga nambabagsak e.
Pero kahit gaano kahaba tong opinion ko, in the end wala pa rin ako pake sa inyo. Thanks sa 5. That won’t matter in the future anyway :p
Lappy Y u Do Diz 2 me
Kung makikita nyo ng maayos yung date ng laptop ko 02/12/2016. Minsan pa naman asa lang ako sa date ng laptop ko since wala akong pasok regularly. TTh lang sure na may pasok ako kaya ang alam ko lang is yung day pero yung date whew haha.
Muntik na ko maniwala sa date tapos sabay tingin sa calendar na friday ang 2. E kung wala naman pala pasok edi matulog na lang diba haha lol! Good thing naka on cp ko so pagtingin ko sa lockscreen ko, Thursday, 1 December.
Yeyyyy!!
Saved by the phone!
Lesson: Wag na aasa sa date ng laptop at always icharge ang phone
Kasi muslim
On my way to malacanang complex, nagtaxi ako para di ako mahassle. Alam kong niloko ako ni manong sa pamasahe kasi galing lang akong d. jose tas di nya pinagana yung metro ng taxi.
So ayon nadaan kami sa quiapo sa may bandang quinta market andami nyang kwento kasi nga traffic and wala naman ako choice kundi makinig kasi sa harap ako umupo para makita ko kung tama pa ba dinadaanan namin. So dun nga daw sa may quiapo madami daw mandurukot kasi maraming muslim. Marami daw holdaper kasi maraming muslim. Marami daw pinapatay kasi maraming muslim.
GAAAAAAAAhhhd
Sa isip isip ko na lang kung dahil sa muslim yang crimes na yan bakit ang davao e kilala as safest city sa bansa natin knowing na maraming muslim dun. Di ba sya nagtataka? tsaka Wala sa religion yan koya. Aba wag ganon di maganda yung binibintang sa religion yang krimen. Nasa tao yan bruh kahit ano pa religion nyan kung gusto gumawa ng masama gagawa yan.
Parang sya, di nya ko minetrohan so dinuduga na nya ko sa part na yon. Ninakawan na nya ko sa pasimpleng paraan. Ninakawan nya ko ng palihim. Wow so sino nga ulit magnanakaw? :(