bat ganun? pag may konting pagkakamali lang ako ang bilis palakihin, di ko alam na di pa sila tapos sa ginagawa nila eh, hindi na ba ako mapapatawad sa ginawa ko? wala na bang kapatawaran yon? sobrang laki na ba ng kasalanan ko para hindi ako mapatawad sa ginawa kong pagkakamali? kung alam ko lang na hindi pa sila tapos sa ginagawa nila sana nakita ko, eh hindi ko naman nakita kung tapos na sila o hindi eh. ano ba naman yan! wala naman akong sinabing masama sa kanila ah! tapos kung ano ano ang sasabihin nila sakin!
puro bintang na lang ang sasabihin nila sakin, buti na lang naiwasan kong magsalita na lang sa kanila, napigilan ko kahit papano ang emosyon ko, ayoko nang magsalita sa kanila eh, ang hirap! ang hirap magsabi ng nararamdaman mo kapag nainis sa tao, di naman ako pwedeng umiyak sa harapan nila kasi kung ano ano na naman ang sasabihin na naman nila sakin. pinipilit ko na lang itago na lang ang nararamdaman ko para wala na silang masabi sakin pero kapag hindi talaga ako makapagpigil napapataas ang boses ko sa kanila.
pero ngayon itatago ko na talaga yung feelings ko, ayoko nang makita nila na may panahon na naiinis ako sa kanila eh, talagang pigil na pigil sobrang pigil na pigil, minsan sinasabi ko sa sarili sana magakasyon muna ako sa isang lugar na walang nakakakilala sakin na tao at magtagal dun sa lugar na yon ng mga isang buwan at minsan sumigaw sa lugar na yon. kaya lang hindi ko kayang gawin yon kasi wala naman akong pangbiyahe kaya dinadaan ko na lang sa pagsulat, buti na lang may tumblr para may mapagsulatan ako. medyo nahihimas masan na ako ngayon kasi nailabas ko na yung mga nararamdaman ko, ngayon lang humaba ang sulat ko ah, isang mailagro ito, hindi ko akalain na ganito na kahaba ang naisulat ko ngayon sa tagal ko ng miyembro sa site na ito.
sana marami pa akong maisulat dito, kahit ano pa naman yung isusulat ko kahit ano pang nararamdaman ko na pwede kong isulat dito gagawin ko basta maisulat ko lang, namimiss ko nang gawin to eh. #feelings