ENOUGH.
Ilang araw na akong pagod. hindi lang sa pisikal na pangangatawan pati na rin sa emosyunal at yung utak ko. Haaay. 😢😓 Nakakasakit na yung madaming beses at napakaraming bagay na na-absorb ko sa ilang araw. Linggo na yata inabot. Sabi ko sa sarili ko sa sandaling ito, sana makatulog na ko ulit ng maaga dahil pagod nga lang ako. makakalimutan ko rin naman to bukas. pero hindi, hindi pako pwede matulog. dami pang gawain ang kailangan tapusin. Naiiyak nako. mamaya nalang siguro. Sasarilihin ang mga bagay na ako nalang ang makakarinig kasi hindi pwedeng makita na mahina ako. Na hindi bagay at pangit tignan na nasasktan ako sa mga bagay.













