Ito ay kwento ng isang babae
Na nagmahal sa isang lalake
At ito ang kanyang kwento
Hindi ako materialistic na tao
At gusto ko laging nagpapakatotoo
Hindi lang sa iba o sa pamilya
Pati rin sa taong minamahal ko ng sobra
Sa mata ng iba, ako'y seryoso
Dahil tingin palang ay parang nagaalburuto
Ngunit wala akong paki sa kanila
Dahil isang tao lang gusto kong tumngin sa aking mata
Sino nga ba tong tao na to?
At parating bukambibig ko?
Ang pangalan nyay ibig sabihin nakaMARKa sa isang bagay
At sa puso ko ito gustong ilagay
Alam kong may kislap kung siya'y ngumiti
Ay naku! Hindi ko na papakawalan pa!
At akala ko siya yung tipong nagbibiro
Kaya tuloy nahulog ako sa kanya ng todo!
Sa pamilya man, kaibigan o katrabaho
Siya yung tipong di ka bibiguin
Basta’t di mo din siya tatraydurin
Na para bang nanalo ako sa lotto!
Sa bawat araw, buwan at taong nagdaan
Kami ay subrang nakipagsapalaran
At kung gaano ka katatag maghintay
Walang relasyong perpekto
Marami rin kaming pagtatalo
Mga away-bati, pagtatampuhan
Ngunit kelanman di ko ito tinatakbuhan
At minsa'y malapit din kaming sumuko
Nagpakatatag ako kahit mahirap
Dahil alam kong may pagasa pa akong mahahagilap
At di ako binigo ng aking dasal
Nanaig parin ang pagmamahal
At yun ang naging sandata
Kaya’t kami parin hanggang ngayon ay magkasama
Mahal ko tong tao na to subra
Na kahit di ko siya palaging nakikita
Alam kong palagi lang siyang nadyan
At hindi niya ako iniwan at binitawan
Mahirap magmahal ng taong malayo sayo
Di biro ang distansya at kalungkutan
Kaya wag kang susuko sa laban !
Marami pa akong gustong ikwento
Kaso tagalog ko, maliit lang alam ko
Gayunpaman gusto kong ipagsigawan
Na sa buong mundo , siya lang ang gusto kong pakasalan!
Gusto ko siyang makasama gang pagtanda
At sa aking pananampalataya
Sa kabila ng aking pagkaimperpekto
Pasensya na, inlove lang po
Sino nga ba ang mahal ko?
Hindi ko naman ito tinatago
Dahil ang pangalan niya'y nasa tula ko.