@ronacastro blog done!
art blog(derogatory)
The Stonewall Inn

Product Placement
d e v o n
Interview Vampire Daily

Origami Around
official daine visual archive
Xuebing Du
No title available
𓃗
occasionally subtle
ojovivo
Cosimo Galluzzi
No title available

pixel skylines
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
No title available
Cosmic Funnies

tannertan36

PR's Tumblrdome

seen from Germany

seen from Mexico

seen from Türkiye

seen from Bangladesh
seen from France
seen from United States
seen from Germany
seen from T1
seen from Pakistan
seen from United States
seen from Colombia

seen from United States
seen from Senegal
seen from Brazil

seen from Kenya

seen from United Kingdom

seen from Mexico
seen from United States

seen from T1
seen from Bangladesh
@jonasxmadrid-blog
@ronacastro blog done!
Filipino ako, Filipino ang wika ko, Filipino ang bayan ko.
Grabe ang impluwensya nang mga ingles, hapon, indones at iba pang mga tao na nasa ibang bansa. Sa sobrang pagka impluwensya natin sakanila, nakakalimutan natin ang ating wika, ang ating dugo, ang ating bayan. Maraming Pilipino ang minamaliit ang sarili nilang kababayan dahil sa tingin nila ang mga taga ibang bansa ay nakatataas satin. Ngunit hindi, lahat tayo ay pantay pantay at hindi dapat natin kalimutan ang watawat nang pilipinas na nagsisimbolo nang ating pagkakaisa.
Tayo mismong mga pilipino, nakakalimutan ang sarili nating pagka pilipino. Hindi natin minamahal ang ating kultura. Kailangan natin palawakin ang ating pananaw at kaalaman tungkol sa ating mga tradisyon, festival, historya at ekonomiya upang mahalin ang ating kultura. Tayo ay nabubulag sa kultura nang iba.
Tayo ay pilipino. Ang wika natin ay pilipino. Ang dugo natin ay pilipino. At ang ating puso ay pilipino. Ang pagiging pilipino ay isang malaking karangalan dahil sobrang dami na nating napatunayan sa iba at tayo ay dapat nirerespeto at ipinagmamalaki. Kaya mga kababayan, tayo ay magtulungan upang pagandahin ang pangalan nang ating bansang kinaroroonan, pati na rin ang mga taong naninirahan dito.
Upuan.
“Kayo po na naka upo, subukan nyo namang tumayo at baka matanaw, at baka matanaw na nyo ang tunay na kalagayan ko.“ - Gloc 9
Sinasabi dito o ang ipinapakita dito ay ang epekto nang korapsyon sa ating mamamayan. Sobrang dami ang naaapektuhan dito. Maraming nawawalan nang bahay, pagkain, tubig, at iba pang kinakailangan nating mga tao. Pero, ang ibang tao, ginagawa itong dahilan o palusot sa pagiging mahirap. Ang ibang tao laging nakaupo sa upuan, walang ginagawa at walang patutunguhan kung hindi sila tatayo at gagawa nang aksyon.
Ang kantang ito ay malalim dahil ipinapakita dito ang ugali nang mga tao. Ang masyadong pag asa sa mga tao. Hindi natututo ang ibang tao na tumayo at umaksyon sa sarili nilang mga paa at sinasabi nang kantang ito na tayo ang gagawa nang sarili nating mirakulo. Tayo'y tumayo mula sa ating upuan at gumawa nang aksyon!
Ugoy sa Duyan.
“Nais kong matulog sa dating duyan ko, inay Oh!” - Lea Salonga
Sinasabi dito sa kantang ito. Kahit gaano man tayo katanda, mayroon parin tayong parte na may pag ka sanggol o may pagka bata. May mga oras na ang kaisa isa nating ninanais ang matulog sa kamay nang ating mga kamay. Ang pagmamahal nang ating mga ina ang bumuo sa ating pagkatao ngayon. Kaya tayo nandito sa ating kinaroroonan ay dahil sa pagmamahal na ginawa nang mahal nating ina.
Ang aking opinyon, hindi lang sa kanta, pati na rin sa mga kapwa kong nakaranas nang pagmamahal nang kanilang ina, dapat natin mahalin at pagyamanin ang kanilang pagmamahal at paghihirap na binigay saatin. Sila ang kaisa isang tao na laging nandyan para sayo at sila ang pinaka nagmamahal satin. Kahit tayo'y mapalayo sa kanilang piling at tayo'y nagka sari-sariling mga buhay, huwag natin silang kakalimutan at kahit kailanman, hindi nila tayo kinalimutan at hinding hindi rin nila tayo kakalimutan.
Du30sa31.
Ang aking mga tatalakayin ngayon ay ang mga sinabi ni president Rodrigo Duterte na tumatak sa aking isipan sa kanyang State of The Nation Address (SONA). Una, ang pag bigay importansya sa human rights. Maraming pilipino ang nawawalan nang mga karapatan dahil natatakot sila sa mga taong mas may makapangyarihan sakanila kagaya nang mga pulis. Pangalawa, ang pagpalaki sa AFP. Madaming masamang pangyayari ang naganap sa mga nakaraang taon dahil sa iba’t ibang kriminal at terorista, kagaya nang Abu Sayaff. Ang proteksyon nang tao ay sinisigurado daw. Pangatlo, ang mas strikto na pagturing sa mga kriminal. Ang death penalty ay ipinahayag na nang ating pangulo at walang kahit sinuman ay makakakuha nang special treatment.
Sa kasalukuyang panahon, marami ang nagbago. Sa loob nang 110+ days nang ating presidente, sobrang dami na ang nagbago kapag kinumpara ito sa panahon nang ating nakaraang pangulo na si Benigno Aquino III.
Para saakin, napaka laking salita ang mga binitawan ni duterte. Hindi ako magugulat kung ito ay hindi nya magagawa ngunit, napaka laking impact ang kanyang nagawa sa pagiging pangulo sa loob nang limang buwan. May mga desisyon siya na maaaring hindi ako sumang-ayon. Pero, huwag nating kakalimutan na siya ang ating presidente at pinagkakatiwalaan ko siya.
snap & ig: