I never ever thought that friendship would end, she was in all of my plans. Sabi ko pag yumaman ako andun sya, pag kinasal ako nagka anak andun sya. But I guess, ako lang yung ganun. All throughout the friendship, hindi kami parehas ng values. Minsan yun pa rason ng pagsasagutan namin or tampuhan. Pero I did not ever gave up on that friendship kasi mahal ko siya and I know where she is coming from. I understand bakit sya ganun, bakit ganun paniniwala nya and bakit ganun yung way of living nya. I was concerned I am always concerned pero I learned to just give her what she wants because kahit concern ako it is still her life her decisions and it wouldn’t change how I feel about her. Mahal ko sya hanggang dulo period. Kaso nakakapagod naman din pala yung ikaw lang yung mahal ng mahal, ikaw lang yung nakikinig ng nakikinig, ikaw lang yung palaging pag hinahanap nya, may problema sya andun naman ako palagi. Hindi ko sya mapuntahan oo, pero isang tawag nya lang sinasagot ko. I remember telling her nung umalis sya ng taytay at lumipat ng pasig. Sabi ko pa, iiwan mo na ako dito? Because yes this place is where we grew up, pero this place was also what we wanted to run away from. And of course hindi ko sya pwede pigilan. Again, kaibigan lang ako at buhay nya yun. But I guess, being away changed her. Being exposed to a different place exposed her, made her realized hindi ako importante. Siguro para sakanya probinsya lang ako na anytime pwede nyang balikan. Na anytime pwede nya kumustahin kasi oo tama naman yun. Andito lang ako palagi. Pero nakakapagod din pala na bigyan ng halaga yung friendship if ikaw lang din yung may respect sa relationship, sa tradition. Kung gusto mo maginom lang araw araw kasi may pinagdadanaan ka, go. Kahit concern ako sa health mo go kasi yun ang gusto mo. Hindi ko yun ipagkakait sayo. Kung gusto mo makipag meet up kung kani kanino at kahit nalilito na ako sa mga kinukwento mo kung sino sila dun, go! Kasi naiintindhan ko. Pero sana pag nagrequest lang ako na punta ka.. Sana go ka din. Sana ako din may puwang sa life mo, kasi hindi naman kita iniwan beh. Hindi kita kailanman hindi pinakinggan. Sana naging reason din ako sa life mo para di ka malungkot, para dmo maramdaman na mag isa ka. Kumusta kana? Alam mo nakita ko umuwi mama mo. Ang payat payat mo. Kumakain kaba ng maayos? May extrang pera na ako. Babawi na ako sa lahat ng mga libre mo. MAy jowa kanaba ulit? Ilan? Alam mo, mahirap yung walang mapagsabihan ng problema. Pakikinggan kita palagi. Pero hindi mo na siguro kailangan. Siguro hindi ako ganun kahalaga at walang ganung impact ako sayo. Yung tinagal ng friendship na yun? Matatapos pala talaga. Alam mo lagi kita pinagdadasal, Almost 2 years na rin siguro.. Pero sana makuha mo lahat ng gusto mo sa buhay be. Sana mahanp mo yung true happiness mo. Masaya akong nakilala kita. Kung asan ka man ngayon, wala akong ibang hinihiling kundi sana okay ka. Mahal na mahal kita be. Ingat ka palagi.