The Torchlight Ceremony 2017 "Ang pagdiriwang ng sulo ay isang naiibang ritwal. Isa itong natatanging tradisyon. Isa itong taimtim na seremonya ng paglilipat ng pangako ng pamamaalam at ng paghahabilin ng pagsang-ayon at pagtanggap. Isa itong seremonya ng paglilipat ng pananagutan nang may katumbas na pangako at pag-asa. Isang paghahabilin ng nakatatandang kapatid sa nakababatang kapatid sa paaralan na tupdin ang mga tungkulin at pananagutan iniatang sa kanilang mga balikat kasunod ang taas-noong pagsang-ayon at bukas-palad na pagtanggap." Isa sa mga araw na hindi malilimutan. (Larawang kuha ng isang kaibigan)









