Kahit sa murang edad ay nakararanas na ang mga people of color ng pang-aapi. photo credit goes to the respective owner.

Kiana Khansmith
untitled

tannertan36
Not today Justin
𓃗
No title available
EXPECTATIONS
Fai_Ryy
taylor price
Xuebing Du
No title available

Andulka

izzy's playlists!

Love Begins
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
Noah Kahan
Cosimo Galluzzi
Cosmic Funnies
Keni
No title available
seen from Uruguay

seen from Malaysia
seen from Spain
seen from United Kingdom
seen from Netherlands
seen from Indonesia

seen from Malaysia

seen from Canada

seen from Canada

seen from United States

seen from United States
seen from United Kingdom
seen from United States

seen from Trinidad & Tobago
seen from Canada
seen from United States

seen from Kuwait
seen from United States

seen from Malaysia
seen from United States
@kinaaadman-blog
Kahit sa murang edad ay nakararanas na ang mga people of color ng pang-aapi. photo credit goes to the respective owner.
Ang mga kalalakihan ay hindi nakahihigit kaysa sa mga kababaihan sa anumang aspekto. photo credit goes to the respective owner.
Respetuhin at tratuhin nang pantay-pantay ang bawat isa sa kabila ng mga pagkakaiba na mayroon sila. photo credit goes to the respective owner.
DRINK MODERATELY
Dahil sa pagbabawas ng Income Tax at kawalan ng revenue, ang presyo ng mga inumin ay tumaas.
BOSS, PASINDI
Maliban sa Sin Tax, may panibagong dagdag muli sa presyo ng mga produkto ng Tobacco dahil sa kauna-unahang tax reform package.
VROOM VROOM
Ang Diesel, na dati'y walang tax bawat litro, ay pinatawan ng 2.50 pesos sa ilalim ng TRAIN Law. Tumaas din ang halaga ng iba pang produkto ng fuel, at magpapatuloy ito sa pagdaan ng panahon.
BATAS NA IPINATUPAD, IKABUBUTI BA NANG LAHAT?
Ngayong naipatupad na ang TRAIN o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law, masasabi naming hindi ito ang pinaka akmang solusyon para sa mga mamamayan dahil ang presyo ng pangkaraniwang bilihin ay tataas. Sinasabi nilang ang benepisyo ng pagpapatupad ng TRAIN Law ay ang pagbaba ng Personal Income Tax, na ang ibig sabihin ay makakakuha ng mas malaking “Take-home Pay” ang mga empleyado ngunit ang hindi nila napapansin ay ang pagtaas ng presyo ng pangunahing pangangailangan ng isang tao. Isang halimbawa ay ang price hike ng gasolina. Kahit ang mga taong hindi nagmamay-ari ng sasakyan ay tiyak na maaapektuhan nito dahil tataas ang pamasahe ng pampublikong transportasyon. Sa aming palagay, hindi ito gaanong nakapagbibigay ng malaking tulong sa mga mahihirap kung saan makapag-uuwi sila ng mas malaking kita dahil maraming pang araw-araw na pangangailangan ang magmamahal dahil sa batas na ito.
CITIZENSHIP
Proud to be a Filipino.
Iyan ang madalas na sinasabi ng maraming Pilipino, lalo na kapag mayroong magagandang pangyayari na may kaugnayan sa Perlas ng Silanganan katulad ng pagtatagumpay ni Manny Pacquiao sa loob ng boxing ring, o pagpaparangal kay Pia Wurtzbach bilang Miss Universe 2015, at iba pa. Bukod dito, ang mga Pilipino ay kinikilala sa kani-kanilang mga talento at kakayahan sa iba’t-ibang larangan. Marunong ang karamihan hindi lamang sa wikang Filipino, kung hindi sa wikang Ingles din. Huwag din kalilimutan ang mga OFW’s na nawawalay mula sa kanilang mga pamilya para lamang magkaroon ng magandang hanapbuhay, at mag-ambag ng kontribusyong pang-ekonomiya sa bansa. Masasabi ring mapagmalasakit at matatag ang mga Pilipino dahil sa panahon ng pagsubok at mga kalamidad, ang mga mamamayan ay nakanigti’t tumatawa, at patuloy na ipinamamalas ang bayanihan sa sari-saring paraan.
Sa kabila ng mga ito, ang Pilipinas— kagaya ng ibang mga bansa— ay may mga suliraning kinakaharap sa araw-araw. Maging isyu man ito ukol sa Jeepney Modernization Program, pagkukulang ng mga bagon sa MRT, Extrajudicial Killings, korupsyon, paglabag sa karapatang pantao, at iba pa. Madalas ay mas tinatangkilik din ng mga Pilipino ang produkto at kultura ng iba kaysa sa sarili.
Masasabi niyo pa rin ba nang buong puso na kayo’y isang proud Filipino?
Ang pagiging mamamayan ay may kalakip na mga tungkulin na kailangan gampanan. Ang pagmamalaki sa pagkakaroon ng dugong Pilipino ay higit pa sa pagmamahal sa Adobo o Sinigang, pagdiwang sa mga tagumpay at parangal ng mga kilalang personalidad, at iba pa. Ito ay pagkakaroon ng malay sa mga isyu na mayroon ang bansa, at pagkilos laban sa mga tiwaling gawain. Hindi man mayaman at perpekto ang bansa, mayroon pa ring mga mabubuting aspekto na dapat mapagtanto ng bawat isa.
TATAK PINOY
Ang bawa’t mamamayang Pilipino ay may responsibilidad na tumulong upang makamit ng bansa ang masaganang pamumuhay
TULONG DUNONG
Katumbas ng mga karapatan ng bawa’t isa ay mga tungkulin na dapat nilang gampanan upang sa gayon ay magkaroon ng progresibong ekonomiya ang bayan
ISANG BANDILA
Sa bawa’t tagumpay at kasawiang haharapin, huwag nating kalilimutan na ang pagiging isang Pilipino ay dapat ipagmalaki
photo credits: www.rappler.com
TAO PO
Hindi lahat ng mamamayan ay nakakamit ang nararapat para sa kanila, kaya’t dapat paigtingin ang pagkapantay-pantay upang lahat ay umunlad nang sabay-sabay
PAGKAMAMAMAYAN- ANG INTRODUKSYON
Ang salitang mamamayan o citizen ay hango sa salitang Latin na civitas, na may pagkakahulugan na “grupo ng taong nagkakaisa na naninirahan sa isang siyudad o komunidad”. Bilang isang mamamayan, mayroon siyang mga tungkulin na dapat gampanan tulad ng paglahok sa mga asembliya, at pagbabahagi ng kanyang saloobin na maaaring makatulong sa pagpapaunlad sa bansang kanyang pinagmulan.
Mayroong dalawang uri ng mamamayang Pilipino batay sa pagtamo ng pagkamamamayan:
A. Likas na Pagkamamamayan
- Natamo simula sa kapanganakan
2 Prinsipyo:
1. Jus Sanguinis- Naging mamamayan ng isang bansa dahil parehas, o isa sa kanyang mga magulang ay mamamayan ng nasabing lugar
2. Jus Soli/Jus Loci- Nagiging batayan ang lugar kung saan isinilang ang isang tao sa pagtamo ng pagkamamamayan
B. Naturalisadong Mamamayan
- Pagtanggap ng bansa sa isang dayuhan at pagkakaloob sa kaniya ng mga karapatang natatanggap ng mga mamamayan. Maaari itong makamit sa pamamagitan ng hatol ng hukuman o batas na ipinasa sa Kongreso