After almost 1 and 1/2 years na hindi na ako interesado sa kanya, bigla syang nag pop out sa panaginip ko out of nowhere, hinawakan nya yung kamay ko tapos nagsabing “Ano? Musta ka na?”, and that’s the moment I realized na, I miss him. Pagkagising ko palang, chineck ko na agad facebook ko at hinanap sya, then dun na naman ako tinamaan ng realidad na, iba na sya, panaginip lang pala talaga, di na sya yung dating taong nakilala ko. Hindi ko alam kung san ako magsisimula para i-point out lahat ng nagbago sa kanya, ang dami kasi, sobrang dami. Yung may kayabangan, oo, pero napipigilan. Yung make-up nya ngayon sa mukha, grabe, ang kapal na, yung tipong may tinatago na. Sana magkaron ako ng chance na iparamdam sa kanyang, he’s more than beautiful without those, wala syang dapat patunayan. Sana bumalik yung dating sya, kasi miss na miss ko na, sobra.








