LONG DISTANCE RELATIONSHIP
Hanggang saan mo kakayanin ang malayo sa mahal mo???
Isa ka ba sa may ganitong relasyon⌠Isang relasyon na walang KASIGURADUHAN, isang relasyong hindi kayang panghawakan ang salitang âMAGHIHINTAYâ
Isang relasyong punong-puno ng takot, takot na baka MASAKTAN KA, takot na baka PAGBALIK MO may mahal na syang iba⌠takot na sa kabila ng paghihintay mo ikaw rin ang masasaktan.
LONG DISTANCE RELATIONSHIP o (L.D.R) isang relasyon na maraming hindi nakakasurvive, dahil ang iba ay nagpapadala sa LUNGKOT at mga TUKSO.
LONG DISTANCE RELATIONSHIP isa sa pinakamahirap na sitwasyon sa isang relasyon, dahil dagat ang inyong pagitan at milya milya ang layo nito sa inyong dalawa, taon ang bibilangin bago ulit kayo magkita o magkasama.
May tumatagal pa nga ba sa ganitong relasyon??? mayroon pa bang taong panghahawakan ang salitang PANGAKO??? at kayang maghintay ng ilang taon na wala sya sa tabi mo? mahirap makipagsapalaran, mahirap umasa, mahirap maghinatay.
Mahirap sumugal sa ganitong relasyon, kase minsan, dahil sa lungkot na nadarama nila, bigla may isang tao na darating upang alisin ang lungkot at pangungulila nila, isang tao na makakapag pasaya sayo at madalas itong taong âto ang makakasira sa salitang âMAGHIHINTAY AKOâ
PADADALA KA BA? o pipilitin mong panghawakan ang pangako mong maghihintay ka hanggang sa muli nyong pagkikita? o hahayaan mo nalang magpadala ka sa tukso dahil ang katwiran mo ay malayo naman sya sayo??? na kailangan mo itong taong to upang maibsan ang kalungkutang nadarama mo??
Naisip mo ba na habang nagpapakasaya ka yung taong nasa malayo ay umaasang pagbalik nya ay nandyan ka pa rin, na pilit nyang nilalabanan ang lahat ng lungkot para sayo.
Naisip mo ba na habang ikaw ay maligaya, sya naman ay lumuluha dahil sa gusto ka nyang makita at makasama pero wala syang magawa??? naisip mo ba na habang kayakap mo ay iba, siya naman ay nilalamig na ang tanging kayakap ay ang unan nya.. naisip mo ba na habang kasama mo ay iba, sya naman ay pilit nilalabanan ang hirap na pinagdaraanan nya upang makaipon para sa inyong dalawa?
Madalas ganito ang nangyayari, madalas hindi sila nakakasurvive sa ganitong uri ng sitwasyon dahil may mga taong di makaintindi di makaunawa di makapaghintay at pansariling kaligayahan lang ang iniisip.
Kung imumulat lamang nila ang kanilang mga mata at bubuksan ang kanilang mga isipan, na halos mamatay sila sa lungkot na nararamdaman nila at sila ay hirap na hirap sa araw araw na pagising nila dahil ibang tao ang kasama nila at hindi ang sarili nilang pamilya⌠wala na sigurong magpapatukso at wala na sigurong matatakot sa ganitong uri ng relasyon at marami na ang tutupad sa pangakong â MAGHIHINTAY AKOâ
Dahil mas masarap sumubok maghintay kesa maging marupokâŚ.mas masarap sumugal kesa magpatalo ng di LUMALABANâŚ.At mas masarap maniwala at magtiwala kesa sumuko at tumalikod sa mga pangako.