Mahirap na madali at madaling mahirap
by Mr. Crayon
Yung basic na basic na nga , basic pang sinusunod, kaya pag lumala ang basic, complicated na ang susunod. MInsan kasi, kahit alam na natin ang dapat gawin, ayaw parin natin gawin kasi nga alam na natin. Meaning, pwede ka maglaro, sabi mo nga eh “Gamay mo na, easy wizzi na yan kasi napagdaanan mo na”. Pero di mo ba napapansin? Andaming tao ang nahulog sa pagkakamaling simple lang pero paulit ulit. Bakit? Kasi basic na nga lang yung gagawin , ayaw pa balikan yung basic. Remember! Minsan sadyang paulit ulit ka sa basic para mamaster mo yung pinaka madaling part.
Minsan hindi ang paligid natin o ang ibang tao ang problema, kundi tayo mismo, kasi gusto natin lumaya sa pain pero patuloy tayong nagbabase sa nararamdaman natin. Kailangan matututunan natin maging masaya kahit na sobrang panget na ng sitwasyon, yung mahirap na problema ay napapadali natin. Always think positive kasi at the end matatapos din naman lahat eh. Sasaya at sasaya ka rin. Hindi araw araw masasaktan ka, kasi dadating ang araw na sasaya ka din.
Sa paglago mo ay sa paghirap nang paghirap ng problema mo. Ang pain ay parang barbell sa gym, sa paglaki ng katawan ay proporsyon sa pagbigat ng kailangan mo buhatin. Bakit? Para mas maging matibay ka pa. Ang buhay ay puno ng problema kaya natural lang na magpalakas ka pero lalakas ka lang “kung” marunong ka bumuhat at tumiis sa pagbubuhat ng problema. Maraming paraan para makalusot sa mga pahirap ng buhay. You just need to explore life. Hindi ka laging mahihirapan, kasi sa paglagpas mo sa bawat pader ng buhay, may nagabang sa iyo na mga pagpapala sa kabila at higit sa lahat, dala dala mo pa ang mga bagay na iyong natutunan.
Hindi mo kailangan pahirapin ung madali kung may madali namang paraan, at sa pagmaster mo ng basic, I guarantee you kahit mahirap yung problema nagiging madali nalang. When you start to learn from the bottom most part, you will eventually learn how things work even in the middle and foremost part.
If you think this helped, you can share this. Please leave a comment down below for the development and more helpful effect of this blog. Kindly follow me on tumblr account, twitter account (@MarkeyMarki) and facebook account (@iammark17). Thank you. See you guys next blog time .














