ang saya pala ng ganitong kapayaan lang
Three Goblin Art
Jules of Nature
h
hello vonnie
taylor price
No title available

Discoholic 🪩

Kiana Khansmith
Stranger Things
art blog(derogatory)
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ

⁂
Keni
i don't do bad sauce passes
TVSTRANGERTHINGS
wallacepolsom
No title available
🪼

blake kathryn

祝日 / Permanent Vacation
seen from United States

seen from United States
seen from Brazil

seen from United States
seen from United States
seen from Malaysia

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Netherlands
seen from Pakistan

seen from United States

seen from Japan

seen from Malaysia
seen from United States
seen from Germany

seen from United Kingdom
seen from United States

seen from Pakistan
seen from United States
@ndsthoughts
ang saya pala ng ganitong kapayaan lang
Hello. :)
Hello, 2023. 2022 was really a though year for me, not gonna lie. I don’t know when was the last time na nag-open ako here sa tumblr. But here it goes..
I’m okay, definitely okay. I am toootally okay. Naramdaman kong may growth talaga akong natutunan after that heartbreak. I learned how to love myself, even the small details of myself. I also stopped questioning my worth, stopped chasing someone. And at last, I was not in love with love anymore. I am done begging. Maybe this post won’t be read by other people, but here are the things that I learned during my healing process.
1. It is okay not to be okay. There was a time na sobrang nakakalungkot, sobrang hindi ako maka-process, at makabangon. Sobrang laki nung grudge na nasa puso ko. But all I did was is to assess my feelings, and acknowledge it.
2. Reward yourself. By learning how to love myself, natutunan ko if ano yung mga bagay na nakakapag-pasaya sakin. Ano yung mga bagay na kaya kong gawin para lang maging okay until the end of the day.
3. Don’t waste time for someone. Yes, I’ll admit. After my heartbreak, hindi ako natakot magmahal ulit. Therefore, may mga nakilala akong tao. Pero di pala sila meant to stay, and naisip ko na, dapat pala pinapahalagahan ko sarili ko kahit healed na ko, kailangan may mga gawin pa ako for my worth.
4. Don’t depend your happiness on someone. Of course, may mga tao na tumulong sakin maka-move on, and eventually hindi ko napapansin na nagiging dependent ako sa comfort or company nila, which is wrong. Because may mga sariling buhay din sila, and napapansin ko na kapag wala na sila, nalulungkot lang ako.
5. Love yourself more and more and more. Before, lagi kong ina-advice sa mga tao na mahalin nila yung sarili nila, kasi sarili lang nila kakampi nila at the end of the day, yet nung nasa situation na ako na nasasaktan ako, nalaman ko na hindi ko pala mahal ng sobra yung sarili ko.
And now, knowing na I am truly okay with myself, I am better, but it doesn’t mean na okay na yung nangyari, siguro I am still here in the process na konti-konti ko nang naaayos yung traumas ko para I am totally better for my next relationship. =))
and then suddenly, you are okay.
may mga pangyayari pala talaga sa buhay natin na tutulungan kang matuto,
may mga nakaraan na mapapaisip kang, buti na lang nangyari.
and then suddenly, I am okay. I am so happy sa naging process, and I cannot believe na magiging okay ako. Not fully, but ang mahalaga, hindi na ako umiiyak. :)
ang taksil ng mundo no?
bigla ka na lang hinila papalayo sa akin,
sa mga mahihigpit na yakap na di makaalis,
pero ang taksil mo rin no?
para iparamdam sa akin na ako’y nag-iisa lang,
habang sinisimulan mo nang makuha ang loob ng isa.
ang bilis no. parang sa isang iglap, parang hindi na tayo magkakilala.
matagal-tagal din hindi nakapag-sulat. marami na naman akong naisip. marami na naman akong napatunayan sa sarili ko. nakapagsabi na rin ng totoo yung ex ko na nagcheat na nga rin talaga siya. nung una, iniisip ko kung bakit. pinapakiramdaman ko sarili ko kung masakit. Pero sa totoo lang, kapag marunong ka na pala tanggapin lahat, na alam mo rin sa sarili mong wala kang mali, wala kang kulang, kundi alam mo na nasa pagkatao na lang talaga niya yon. Hindi ko na masyado naiisip, kasi tanggap ko na. Ang pinagdarasal ko na lang sa gabi ay dumating na yung taong mag-aalaga, at para sa ex ko, na nawa’y magsettle na siya sa bago niya at makapagdesisyon ng tama sa mga bagay-bagay. Tanggap ko nang minsan ako naging tahanan para siya’y maging okay, at tanggap ko nang kailangan ko maging tahanan ang sarili ko ngayon muna :)
letter for you.
hi.
di ko rin alam kung saan ko gusto mag-simula, o kung dapat pa ba akong mag-simula. hindi ko rin masabi kung may mga dapat pa ba akong pakawalang mga salita, pero parang wala na lang naman sa ‘yo ata?
hindi ko na rin masabi kung gusto pa ba kita makausap, o makamusta na lang. pwede rin naman na nakakaramdam ako nang pagkamiss sa boses mo, pero hindi ng buong pagkatao mo.
umookay na kasi ako, nararamdaman ko nang umookay na ako. hindi na rin ako ginugulo ng mga hinala ko sapagkat magkatotoo man o hindi, pakiramdam kong wala na lang sa akin-- basta alam kong hindi ako nagkulang.
kumusta ka na? masaya ka na ba?
wala ka na bang konsensyang nararamdaman sa mga nagawa mo sa akin?
kaya mo na ba harapin ang mundong wala na ako?
okay ka na ba? hindi mo na ba hinahanap ang mga yakap’t halik ko?
hindi mo na ba inaasam na marinig muli ang aking mga boses at tinutugon ang salitang, “mahal kita?”
iba na rin ba ang kailangan mo sa umaga? hindi mo na ba kailangan malaman kung nakatulog ba ako ng mahaba?
hindi mo na ba kailangan malaman kung ano ang nangyayari sa aking araw-araw, kasi okay ka na?
tanggap mo na ba?
ako kasi kung aamin lang, tinatanggap ko pa lang na wala na talaga.
alam mo, sabi ng counsel ko, ang strong-strong ko raw. yung move ko palang na cinonfront kita, ang strong na raw yon. kasi whatever may be the answer is, i am ready. hindi ko lang din alam bakit ako nahihirapan now? like, ano pa nga bang hinihintay ko? magkatotoo lahat ng hinala ko?
pero kaya ko na eh, tinatanggap ko na, na hanggang doon na lang talaga. acceptance is really the key nga talaga no?
03.06
iba pala sumipa ang redhorse. akala ko nung una, kaya ko na. iba pala talaga kapag may dinadala ka. pakshet naman kasi e. sabi ko, di na ako iiyak. sabi ko, kaya ko na. kung hindi lang may kumanta ng The Scientist, hindi ako iiyak.
ilang gabi ko na dinadasal na sana dalawin ako ng tatay ko, ultimo nung kaarawan ko, hindi niya ako dinalaw. hanggang ngayon na nagbreak na kami ng ex ko, hindi niya pa rin ako dinadalaw.
ang sabi ng ate ko, “Alam mo kung bakit hindi ka niya dinadalaw? kasi alam niyang kaya mo.” Pero alam niyo ba kung ano ang huling panaginip ko sakaniya? Dumalaw siya at sinabi niya sakin non, “kung saan ka masaya, susuportahan kita.”
nung una, iniisip ko na bakit kaya ganon yung sinabi niya? siguro sinusuportahan niya ako na yun ang taong kasama ko nung mga oras na yon? at baka kaya hindi niya na ako dinadalaw ngayon, kasi alam niya na kung ano man desisyon ang gawin ko sa buhay ko ngayon, susuportahan niya ako basta nakikitang masaya ako?
paano ba ako makakalimot sa sakit? ano ba talaga ang dinadala ko? hanggang kailan ba matatapos ‘to?
kailangan mo magpatawad para patawarin mo sarili mo
parang gabi-gabi na ako nandito, no?
tuwing inaatake ako ng mga mapanlinlang ala-ala,
mga natutulog at nagtatagong nararamdaman.
parang lagi na naman nga akong nandito,
binibigkas ang mga salitang nasa aking isip,
minsan gusto ko na talaga silang palayain,
kasi ayaw ko na rin na sumagi ka sa aking isip.
napapagod na ako. mag-iisang buwan na, pero parang ganito pa rin. hanggang kailan ko ba kailangan maramdaman ito? alam ko naman na matatapos ito, pero sana malapit na. gusto ko na mawalan ng pakialam at pabayaan ang mga nakaraan na minsan gusto ko pa rin balikan, kasi naniniwala na akong wala’t tapos na, dahil nakita ko na ito noon pa, at hindi na ako nagtataka kung sa mga susunod na araw, e parehas nanaman ang aking makita.
alam mo, nakapagisip-isip na rin ako
naisip kong hindi pala talaga sa tao natatapos ang mundo,
natutunan ko na rin lumaban kahit sinasabi ng mundo na ako’y talunan,
nasaksihan ko kung paano naging kalmado ang dagat kahit malakas ang hangin,
kumbaga alam ko na kung paano maging kalmado kahit tangayin ka pa sa ‘akin
naisip ko na rin,
na hindi na dapat kitang sisihin sa buhay na gusto mong marating.
naintindihan ko na rin na merong mga bagay at dahilan ang hindi mo naidala sa iyong pag-lisan,
at naisip ko na rin,
na may mga bagay na talaga akong kailangan bitawan dahil alam kong hindi ko na ulit ito makikita o mararamdaman pa man.
parang ikaw--
kailangan ko nang tanggapin, na naging parte ka lang ng aking buhay para makilala ko ang makakasama ko at hindi lang bilang tahanan, kundi totoong pahingahan.
2.22.2022
we are expecting something to happen during this date. we expect that what we’ve been manifesting will actually grant.
pero iba siya sakin, dito ko iniyak lahat. dito ako naging totoo sa sarili ko na hindi ko na kayang magpanggap. hindi ako okay. at kailangan ko nang makakausap. para lang ako nabubuhay kasi kailangan ko, pero gustong-gusto ko na magpahinga. pagod na pagod na akong ayusin sarili ko, at hayaan yung mga taong sirain lang ako ng paulit-ulit.
galit
nagagalit ako,
nagagalit ako sa mga panahon na inuna ko ang iba kaysa sa sarili ko,
nagagalit ako sa mga pagkakataon na pinaramdam mong hindi ako sapat.
na ganon lang kadali sa ‘yo para itapon ang lahat, at iwan na lang ako
na para bang nag-iisa sa malalim na dagat,
na hinayaan mong malunod ako sa sarili kong isipan,
na habang humihingi ako ng tulong ay di mo pinilit na ako’y abutin
hinayaan mo kong tangayin,
hinayaan mong tangayin ang salitang tayo,
na para bang kay bilis lang para sayo’y maglaho.
nagagalit ako.
hindi ko maramdaman na dapat pa kitang patawarin,
kasi sa pagkakataon na ika’y mapatawad
ako’y mawawala ulit at magiging bihag muli.
iyong bigkasin sa ‘akin
sa paanong paraan ba ako puwedeng tumigil
paano ko ba masasabing hindi ko na hinahanap ang iyong mga halik sa aking labi tuwing gabi,
sa paano paraan ko ba masisiguradong hindi na ako umaasang ika’y babalik at mananatili?
sabihin mo naman kung sa paanong paraan ka nag-simula,
na parang madali lang para sa ‘yo itapon ang lahat,
na para bang pagmamahal ko’y hindi naging sapat, na minsan mong pinang-tapal ng iyong sugat.
paano ka nga ba nakausad?
ang hirap kasing nakikita kang masaya, samantalang ako’y nagdudusa.
Natutunan ko nang magparaya at magpatawad.
Mahirap pala talaga kapag ang tanging nakikitang paraan na lang ay ang magpalaya- hindi mo alam kung dapat mo ba itong itaya o dapat mo pang subukan.
Masakit din pala kapag unti-unti mong tinatanggap na ang tanging pwedeng gawin para sa iyong minamahal ay palayain siya mula sa mga yakap at alaga na pwede mong i-alay.
Nasubukan ko na rin palayain ang mga ala-ala na akala ko hanggang dulo ko babalikan at tatawanan,
Mga pagkakataon na ang tanging hinihiling sa tala ay masilayan ka, natutunan ko na rin kung paano ka ibalik kay Bathala at sabihin, ikaw na ang bahala.
Ito pala talaga ang masakit pag dating sa pagmamahal, kahit gaano mo alagaan, kahit gaano mo protektahan, kung hindi na ikaw ang tinuturing tahanan, kailangan mo nang bitawan.
I am lost again.
my three years relationship ended. akala ko nahanap ko na yung hanggang dulo ko, akala ko magiging okay na ako.
ganon na pala talaga ngayon, ‘no? they will eventually will decide that they need rest, and explore things without knowing na hindi mo alam kung bakit. knowing to yourself na binigay mo lahat ng freedom na pwede nilang makuha, always giving the peace they want.
i am so so selfish to myself. in order to make someone happy, i am losing myself. and that is so bullshit. hindi ko naman ginusto ‘to, hindi ko na rin alam kung hanggang saan ko kakayanin.
bakit ba palagi na lang na kahit binibigay ko na lahat, they will forget you so easily.