Oh ayan. Ayan lahat ng sama ng loob ko haha. kausap ko lang sarili ko dito kaya napaka drama lahat. Walang nakakaalam nitong blog ko na to haha dito ko kasi nilalabas lahat :) Dito ko nasasabi yung mga bagay na di ko kayang sabihin sa ibang tao kahit sa mga pinaka kaclose kong tao. Ayoko kasi ng sinasabi ko rin lahat sa kaibigan ko eh. Pano sasama lang tingin nila kay rods. Kasi minsan pag sobrang sakit na yung mga di magaganda yung naaalala ko, kahit sobrang dami niya ring beses na napasaya ko sa mga maliliit na bagay. Eh ayoko naman din ng ganun, kasi side ko lang yung malalaman nila. Kaya pili lang rin nakekwento ko sa kanila. Eh nung nalaman nga nilang may iba pa pala siya nun bukod sakin, lahat sila ayaw na ayaw sa kanya at ayaw ng tanggapin dahil sa huli ako lang rin daw masasaktan. Haha tapos ngayon bat ko raw siya lagi pinagtatanggol sa kanila eh hindi ko raw ba naalala yung times na iniyaka ko siya dahil sa mga nagawa niya. Lahat naman yun kaya kong baliwalain para sa kanya eh, although hindi ko makakalimutan yun at siguro habang buhay na yan dito. Di ko kayang kalimutan dahil mahal ko sya at lahat ng part niya gusto kong maalala, maganda man o hindi. Minsan nga mas nasasabi ko pa sa kaibigan ni rods yung situatuon namin kesa sa mga sobrang trusted na friends ko. Kasi alam ko tanggap nila si Rods kahit sira-ulo yan! Kahit ano pang pagkakamali niya, matatanggap at matatanggap parin siya ng mga kaibigan niya. saka naniniwala kong kilalang-kilala talaga siya ng mga kaibigan niya kaya ok lang sabihin yung mga ganyan








