Metaphysics of Us side story
Originally posted on twitter
Chances and probabilities.
Uncertainty excites me. Weird ba?
Naniniwala kasi ako na anything is possible. Some things are unlikely, some things will never happen -- but they always could at any time. If there's anything that nature has taught us, that is impossible is probable. Kaya hindi ako naniniwala sa mga hindi posibleng bagay. Lahat posible, lalo na kung gusto mo at gagawan mo ng paraan.
"Heads, gusto niya din ako. Tails hindi."
Nag-toss ako ng piso. Habang nasa ere yun binubulong ko na sana heads ang lumabas. At dahil sa gravity, mabilis yun nalaglag sa palad ko.
Pagsilip ko, heads. Napangiti ako.
"Heads, sasabihin ko. Tails, hindi."
Nag-toss ako ng piso. Habang nasa ere yun binubulong ko na sana heads ang lumabas. At dahil sa gravity, mabilis yun nalaglag sa palad ko.
Pagsilip ko, tails. Napasimangot ako.
Bumuga ako ng malalim na hinga.
Sasabihin ko pa din sa kanya.
It's funny kung paanong binasag ng isang salita ang paniniwala ko.
Nakulangan yata siya sa sinabi niya kaya dinugtungan niya ng pangalan ko.
Pangit ba ako? Maputi naman siko ko ah?! Pero tinawanan niya lang ako. Eh hindi naman ako nagbibiro.
Turn off ba na sinasabi ko ang feelings ko sa kanya? Tinanong ko pa kung baog siya at worried sya sa magiging future namin. Syempre biro lang. Pero sinabi ko na tanggap ko siya kung sakali at mag-aampon na lang kami ng mga pusa.
Pero sabi nya na walang dahilan.
Pwede ba yun? Wala? Eh lahat ng bagay may dahilan. Naisip ko na lang na priority niya lang ang pag-aaral. Focused din siguro siya sa music. Baka nga dahil don.
"Seryoso, akala ko mutual kayo, eh." sabi sakin ni Aru isang araw pagkatapos. Nakasalubong ko siya sa canteen kaya sumabay na ako kumain.
"Sabi ko lasagna bakit baked mac to? Sinabi ko na nga gusto ko eh iba pa din binigay." Pagrereklamo ko sa libre niya sa akin. Medyo makapal ang mukha.
"Ubos na eh. Bayaan mo na, di kasi lahat ng gusto mo para sa'yo."
"O baka di mo deserve yung gusto mo. Pwede rin the other way around."
"Bakit parang wala kang kwenta kasama?"
Magkaibigan nga sila dahil tinawanan niya din ako.
Umattend ako ng block huddle para malibang kaya lang hindi talaga naaayon ang tadhana sa akin. Magkasama na naman sila nung partner niya sa Finance. Magka-posas pa ang kamay. At labag man sa kalooban kong sabihin pero ang ganda niya lang talaga. Hindi ko naman magawang mainis dahil ang bait niya. At saka, wala naman siyang kasalanan.
"May boyfriend naman yung crush mo, eh!" sabi ko sa kanya habang tinatabihan siya sa room.
"Ano?" sabi niya pero di pa din ako nililingon. Sinundan ko yung tingin niya. Kaso sana hindi na lang pala. Nakatingin siya ulit kay Sandara, busy na busy sa cellphone at naka-ngiti. Ang sakit. Yung makita na hindi niya ako nakikita. Eh nandito lang naman ako sa tabi niya.
Hindi ako dapat pupunta sa huling gig nila sa Untitled pero wala, naisip ko na huli na din naman na to. Inantay kong matapos sila mag-usap bago ko siya lapitan. Sana all nakakayakap. May sumilay na lungkot sa mukha niya nung makita kung sino ang pinuntahan ni Sandara.
"You're in love with her but she will never know."
"Karma mo yan kasi binasted mo ako!"
"Bahala ka sa buhay mo-" di na ako nag-isip pa basta ko na lang siya hinalikan sa pisngi. Kung di man maging kami atleast nakahalik ako. Joke!
Tinapangan ko yung mukha ko. "Grad gift mo na sa akin yan. Pero it's a curse from me. Pag nakita mo ako after grad di na kita papansinin. Ikaw naman maghahabol sa akin. Che!" sinabi ko yun with all the confidence na natitira sa sarili ko. Saka ko siya tinalikuran.
Naniwala ako na anything is possible. Basta gusto mo at may paraan, mangyayari.
Pero nabudol lang yata ako ni Paulo Coelho. Sabi niya, if you want something with all your heart, the universe conspires to help you achieve it. Scam. Gusto ko siya ng buong puso pero wala namang ginawa ang universe para matulungan ako.
Nung araw ng graduation, tinanaw ko na lang siya pero di na nilapitan. Kasi ganoon din naman. Kahit malapit ako sa kanya, parang nakatanaw lang din naman ako sa malayo.
"Lapitan mo na." Siniko pa ako ni Aru. Inirapan ko lang siya.
Naglabas ako ng coin sa purse na dala ko.
Heads, lalapit ako. Tails hindi.
Nag-toss ako ng piso. Habang nasa ere yun binubulong ko na sana heads ang lumabas. At dahil sa gravity, mabilis yun nalaglag sa palad ko.
Pagsilip ko, heads. Napailing ako.
Oftentimes, we think of reasons and excuses on why we can't be with someone we love. Pero minsan, wala naman talagang rason na pumipigil, walang bagay o tao o pangyayari ang humahadlang. Minsan kaya hindi nangyayari kasi.. hindi lang talaga. Wag ka nang magimbento ng kung ano-anong dahil at kasi. Stop making excuses and use them like a pat on your head or a tap on your back. There was never a consolation. Yun lang yon. Hindi ka niya gusto. Hindi ngayon. Hindi bukas. Hindi kailanman.
Probability does not tell us exactly what will happen. A flip of a coin or a roll of a dice will never give me the chance to be with him. Because when it comes to us, there's always a dreaded scale: the ratio of one millimeter to a billion light years.
And I will never come close.