So, kanina ung technical exam nung inapplyan ko. Tatlo kami, ako lang ung babae. Naalala ko tuloy noong IT positions ang inaapplyan ko, lagi akong natatanong na, "kaya mo ba? Trabahong lalake un." Haha kasuka. Buti di ako natanggap don. Anyways, di naman ako nadiscriminate, naalala ko lang.
Di naman ako familiar sa inaapplyan kong position, in short, nanghuhula lang ako ng isasagot at nanghula na nga ako ng isinagot. Pero intelligent hula naman HAHAHA. Binase ko dun sa initial interview nila. Ung mga tinanong nila don, narealize ko na un ung ipapaexam nila kasi un ung hinahanap nilang skills. So ang madam nyo, nagreview sa business keme. Mabilisan lang HAHA. Pero sempre, wala sa exam ung mga nabasa ko. So nanghula nga ako, diba. Ung nasa kanan ko, tanong ng tanong my gulay, titser mo ko? Charot haha. Pero sempre, kahit dehado ako, dahil insider silang applicant, ako lang hindi, sinagot ko pa din ayon sa "intelligent hula" ko, na sinabi ko naman na di ako sigurado pero un talaga ung sinagot ko sa exam. Kada tanong nya, mga mamsh, ineexplain ko pa sheti, tinitingnan ako nung bantay HAHA. Ung nasa kaliwa ko, matalino sa tingin ko. Taas din ng ilong, nahiya ung ilong ko hahaha. Mala richard gomez ung half ng face nya, kasi nga naka face mask so hindi ko kita masyado. Pero kahit mala daniel padilla o paulo avelino my loves pa sya, sorry, ilalavarn ko ung inaapplyan ko HAHA. Ako dapat ang matanggap, hindi sya. Char xD pero ayun na nga. Ung sagot ko talaga crafted mula sa mga tanong nila noong initial interview kaya matalino pagkakahula ko dun. Ayun ang kagandahan ng may initial interview.
Share lang. Di kasi interesado ung kekwentuhan ko leshe nababadtrip ako HAHAHA. So, imbis na maghanap ako ng ibang kekwentuhan, dito na lang. Kayo na lang. Ang nipis ko din kasi lately. Pero simple lang naman diba? Kamustahin man lang ako diba? Eh mamatay na ko sa pag aalala kasi di sumasagot, prenti pa din sya nanunuod ng netflix, wapakels daw😅