Mga halimbawa ng akademikong sulatin
Ang layunin nito ay karaniwang itakda kung saan napunta ang manlalakbay. Nilalayon din nitong idokumento ang mga karanasan sa paglalakbay.
Ito ay isinulat upang ihayag sa mambabasa kung ano ang nakita at natuklasan sa paglalakbay gamit ang mga pandama.
Ang katangian nito ay umaakit sa mga turista na bisitahin ang inilahad na lugar. Maglahad ng mahahalagang impormasyon gaya ng mga direksyon o direksyon para makarating sa isang lugar.
Ang layunin nito ay magdala ng kagalakan at kaaliwan sa mga gumagawa ng mga kuwento, magbigay ng mahalagang impormasyon, at hikayatin ang pagkamalikhain. Sa madaling salita, ang larawang sanaysay ay nagnanais makatawag ng atensyon at interes sa binabasa.
Ito’y ginagamit upang ihatid ang isang mahalagang mensahe, kadalasan may mas mga larawan at kaunting salita.
Ang katangian nito ay ang paggamit ng mga imahe sa pagsasalaysay. Ito ay may makabuluhang pagpapahayag sa litrato at organisado.
Ang layunin nito ay hikayatin ang mambabasa na magkaroon ng kamalayan sa mga argumentong ipinakita.
Ang paggamit nito ay nagsisilbing patunay, argumento, at pagpapatunay ng problema
Ito ay naglalarawan sa pamamagitan ng kakayahang isama ang mga isyu ng pambansa o internasyonal na saklaw na nakakaapekto sa isa o higit pang mga grupo ng mga tao o buong komunidad. Dito ay dapat na organisado ang pagka sunod-sunod ng ideya at maging pormal.
Ang talumpati ay naglalayon na makapag hikayat at mapaniwala ang kanyang mga tagapakinig sa pamamagitan ng paglahad nito ng maayos at malinaw na pagtatala.
Ang talumpati ay isinasagawa upang tumugon sa isang paksa o isyu, na magbibigay katwiran o paniniwala sa mga makikinig gamit ang pagbigkas o bibig.
Ang talumpati ay may katangian na pormal at malinaw na daloy ng mga ideya. Ang uri nito ay nakabatay sa mga tagapakinig.
Ang replektibong sanaysay ay naglalayon na maiparating ang pansariling natuklasan o naranasan sa ispesipiko na usapin. Ito rin ay naglalayon na maipabatid ang ang mga nakalap na detalye o impormasyon na natutunan ng mambabasa ukol sa paksa o sulatin.
Ang replektibong sanaysay ay isinulat upang ihayag ang mga personal na perspektibo sa usapin, o mga bagay tulad ng karanasan, damdamin, opinyon, at natuklasan patungkol sa isang paksa. Maari rin itong makatulong sa may akda na mas mapabuti ang kanyang gawa. Ito ay karaniwang ginagamit sa mga akademikong papel, blog, at iba pang mga uri ng pagsusulat na nangangailangan ng pagsusuri at pagpapaliwanag ng sariling karanasan at perspektiba.
Ang replektibong sanaysay ay may katangian na malinaw ang pagpapakilala o introduksyon, katawan, at ang konklusyon upang maibatid ang mga nakaraan na kaganapan at kung paano ito nakalikha ng pagbabago sa mambabasa.
Ang buod o sintesis ay naglalayon na makakuha ng maikli ngunit mahahalagang impormasyon sa kabuuang teksto.
A buod o sintesis ay kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng buod, tulad na lamang ng mga maikling kwento.
Ang buod o sintesis ay may katangian na komprehensibo at maikli sapagkat ito ay kinakailangan upang mapaikli ang bersyong orihinal. Ilan sa mga ito ay dapat nasasagot ang sino, ano, paano, saan, at ang kailan.
Ang layunin nito ay makapagbigay ng proposal sa proyektong nais ipatupad.
Ito ay ginagamit upang mabigyan ng resolba ang mga problema at suliranin.
Ito ay may dalawang katangian maikling proyekto at mahabang proyekto.
Ang maikling proyekto ay naglalaman lamang ng dalawa hanggang 10 pahina na kadalasan ay nasa anyong liham lamang samantalang ang mahabang proyekto ay naglalaman ng mahigit sa 10 pahina.
Natatalakay ang mga hakbang sa pagsulat ng katitikan ng pulong.
Pag dodokumento ng mga mahalagang puntong inilalahad sa isang pagpupulong.
Ito ay dapat na organizado ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga punto ng napag-usapan at makatotohanan.
maikling impormatibong sulatin na karaniwang isang talata lamang at naglalahad ng mga kwalipikasyon ng isang tao o indibidwal
Ginagamit ito para sa iba pa o mas kakaibang personal profile ng isang indibidwal, tulad ng kanyang academic career at mga academic achievements, at iba pang impormasyon ukol sa kanya.
Maikli lang dapat ang nilalaman nito, Binabanggit ang degree o tinapos ng paksa sa bionote.
Maipabatid ang mga impormasyon ukol sa gaganaping pagpupulong o pagtitipon.Nakapaloob dito ang oras, petsa at lugar ng gaganaping pagpupulong.
Ito ang nagsisilbing gabay upang maging maayos ang magiging pulong at siguradong natatalakay ang mga mahahalagang bagay. Naglalaman din ito ng mga plano o aksyon na dapat gawin tungkol sa paksang tatalakayin.
Ito ay isang listahan ng mga bagay bagay na pag uusapan o tatalakayin
Magbigay ng anunsyo o magbaba ng patakaran na kinakailangang mabatid ng lahat. memo. pangalan ng opisina o at dapat na tiyak at maikli.
Samantala, ayon sa ibang pag unawa, ito ay nangangahulugan ng isang paraan ng komunikasyon sa anyo ng isang maikling mensahe na naglalaman ng mga mungkahi, direksyon, o paliwanag na ginawa ng mga partido na may mataas na posisyon at ibinigay sa mga awtoridad sa pagsasagawa ng mga utos mula sa liham.
Maikli lamang na ang pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na alituntunin na dapat isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang pulong , pagsasagawa , o pagsunod sa bagong sistema ng produksyon o kompanya.