“I’ve come to believe that each of us has a personal calling that’s as unique as a fingerprint - and that the best way to succeed is to discover what you love and then find a way to offer it to others in the form of service, working hard, and also allowing the energy of the universe to lead you.” OPRAH WINFREY. ♥ :)
Isang bagay ang napag-tagni tagni ko ngayong umaga. It made me realize WHY I AM LIVING, What I am living for and How will I live it.
Tama si Steve Jobs. “Connect the dots looking backward, then keep moving forward.”
=============================================================Nuong una pinagsisisihan ko kumbakit ako nabuyo ni mama na mag-take ng Nursing sa New Era, eh Comsci or Masscom talaga gusto ko, dahil bata pa lang ako, mahilig na kong magsulat, magkwento at mangarap.
Isang bagay ang tumatak nuon sa isip ko nung ready na kami mag-enroll. May sakit ang lola ko at gusto ko siyang alagaan.. for FREE. Hindi na kailangan pang mag-hire ng private nurse dahil ako na lang ang aalalay sa kaniya habang nag-aaral ako at sa bahay niya ako nakatira.
Dumating ang mga pagsubok, nahirapan ako, hindi ko inaasahan ang matinding mga leksyon, mga librong puro texts at wala gaanong pictures, walang entertainment gaya ng inaasahan ko. Pero andami kong natutunan, marami akong nakilalang tao, at mas lalo akong napalapit sa Ama. Naging comfort zone ko ang Sanctuaryo araw-araw.
Pero may hindi inaasahang pangyayari na hanggang ngayon pilit kong binubura sa puso’t isip ko, isang pagkakamali na kung pwede lang ulitin ay itatama ko. Sa twing naalala ko, parang kahapon lang nangyari. Pero isang bagay sa pangyayaring iyon ang lubos kong pinagpapasalamat sa Ama, bago mahuli ang lahat, pinalo na Niya ko.
=============================================================Hanggang sa nadestino kami sa Oriental Mindoro. Ipinagpatuloy ko ang kurso kong Nursing sa Luna Goco Medical Center and Colleges. Marami akong naging bagong kaibigan, bagong yugto sa buhay ko na hinding hindi ko makakalimutan. Ang passion ko sa pangangarap, pagku-kwento at mag-bigay serbisyo for FREE ay muling nabuhay. Salamat kay Mr. Francis Jordan Cusi at sa proyektong in-assign niya sa grupo namin. Gumawa kami ng documentary film, tumulong sa isang grupo pa para sa isang short film at bumuo ng simpleng slideshows ng events.
una inakala kong hindi ko kaya, natakot ako sa rejection na hindi nila magustuhan, inisip kong imposible dahil wala akong resources tulad ng digicam at laptop, pero kapag gusto pala talaga may paraan, humiram ako sa mga kaklase ng nabanggit sa itaas. nakakahiya pero inisip ko na lang na temporary lang naman.
Hanggang sa napanuod nila ang una kong ginawa. Hinding hindi ko makakalimutan ang napaka-sarap na feeling na naiparamdam nila sa akin, makikita mo sa mga mata nila ang ningning na ibig sabihin sobrang nageenjoy sila. Napapangiti, natatawa, pumapalakpak.
Ibang klase! Lahat ng pagod, gastos sa internet shop, puyat, patience dahil minsang nabura at uulitin na naman mula sa simula, sulit na sulit lahat. Sobrang worth it.
Hanggang sa nabigyan ako ng task na gumawa para sa Foundation Day. Nalaman ng buong campus, sobrang sarap pakinggan na biglang may hindi ka kakilala na lalapit sayo at sasabihing “Ate Lovely, may gagawin ka daw video? Excited na kami mapanuod!” Simpleng bagay pero ibang klase talaga. Napatunayan kong kaya ko pala. Walang Imposible. :)
=============================================================
Isang pangyayari pa ang hinding hindi ko makakalimutan, Ang “Pleural Effusion”. Sa lahat ng naging aralin namin sa Nursing, ito ang naging ultimate favorite ko. Dahil ito ang pinagbuhusan ko ng matinding oras upang aralin, pinagkagastusan para mai-present ng maganda, at inaral ng todo upang hindi maging kahiya-hiya ang grupo ko.. for FREE. Dito ko na-realize kung gaano ako ka-blessed sa napili kong kurso, ang importansiya ng buhay.
Preparation = Confidence. Alam ko, buong klase namangha sa pinakita namin, lahat ng tanong nasagot namin, at wala silang nagawa kundi hainan kami ng isang masigabong palakpakan. :)
=============================================================
Pagka-graduate at take ng Board of Nursing, nag-apply agad ako ngtrabaho. Napakarami kong natutunan dito:
KAIZEN - Continous Improvement (Thanks to Hinduja Global Solutions) kung saan umiiyak ako sa twing may mababa sa metrics ko, dahil as much as possible gusto ko perfect lahat.
Importance ng trabaho, NO WORK NO PAY. Ilang minutong mahuli ka sa pagpasok, kaltas sa sweldo.
Importance ng TIME. Sa office ako natutulog/kumakain/naliligo every Mon-Fri, twing Sabado’t linggo lang ako umuuwi sa bahay kaya ganoon ako kasabik sa parents ko. (Salamat sa Telus)
=============================================================
Ang yugto kung saan na-introduce na sa akin ang Network Marketing. Sobrang Thankful ako kay Mr. Gian Carlo Maglasang, na siyang nag-invite sakin sa The Filipino Dream. Dito ko naranasan na kahit 8pesos lang ang laman ng bulsa mo, kahit wala ka pang kain, kahit maraming negative ang umuusig sa’yo, walang maaring pumigil upang makamit ang pangarap mo. Masaya kami araw-araw upang ipahayag ang magandang opportunity for FREE. Masaya akong uma-attend ng trainings gabi-gabi, walang pagsidlan ang saya lalo na nakikita mong masaya ring nagte-training at nakikinig sa’yo ang mga unang taong naniwala sa’yo.
It has always been a privilege to serve people, to share what network marketing REALLY is all about. Mag-join man o hindi, ang mahalaga, patuloy mong i-share ang opportunity at ma-mindset mo sila ng tama, malaking tulong na yun. Konting ngiti lang sa mukha nila habang binubuhay mo ang libreng pangarap, malaking bagay na.
Pero muling nanubok ang Ama. Isang bagay na natutunan ko, ang konsepto ng “Buti na lang o Sayang” Pero naniniwala ako, hindi magbibigay ng pagsubok ang Diyos na hindi natin kaya, either hindi para sa atin yun o may bigger plan siya para sa atin.
=============================================================
Tama nga. God has a bigger plan for me. Na magagamit ko lahat! As in lahat ng talentong binigay Niya para sa akin. Nakilala ko ang XTRM 1-11, isang organisasyon kung saan nag-upgrade ako ng todo. Kung saan alam kong mamamaximize ang lahat ng potential ko. Mas marami akong matutulungang tao, mas maraming tutulong sa akin at aalalay, at mas malaking pangarap ang makakamit ko.
Dito ko naintindihan ang value ng:
Law of Leverage - NO WORK WITH PAY
Ngayon ikinagagalak kong sabihin, Thank you so much Lord! BUTI NA LANG pinakilala mo sa akin ang XTRM, Buti na lang hindi ako sumuko sa kabila ng mga pagsubok! Buti na lang patuloy kong tinanggap ang mga opportunity at nag-decide ng tama! thank you so much Mr. Louie Laguidao na walang sawang umaalalay sa akin habang nag-uumpisa pa lang ako.
AS A NURSE, FILMMAKER & ENTREPRENEUR.. Hinding hindi ko pagsasaawang sabihin na “God never fails to direct me to a path that I will cherish for the rest of my life.”
Muli, Maraming maraming marami pong salamat Ama. This is my calling. This is WHY I am living. I lift everything to you! With joy and gratitude. To God be the Greatest Glory!