Best friends are meant to last forever.
Sa dinami dami ng tao sa mundo. Ang daming naghahanap ng pwede nilang masandalan, makasama hindi lang sa mga malulungkot na araw, kahit din sa masasayang araw. Yung mga taong tatanggapin ka kahit ano ka pa. Simula sa lakas mo hanggang sa pinaka kinahihinaan mo. Yung taong hindi mapapagod na makinig sa mga kwento mo. Yung taong hindi ka pinapabayaan at nakikita yung halaga mo bilang isang tao. Yung taong handa kang ipaglaban at higit sa lahat, yung taong kahit kailan hinding hindi sasagi sa isip nila na iwan ka.
Siguro nga, ako na ang pinakamaswerteng tao sa mundong ito dahil mayroon akong mga kaibigan na katulad nila. Isa sila sa dahilan kung bakit nakakaya ko pa ring ngumiti kahit na wala akong maingiti. Isa sila sa dahilan kung bakit ako nakakabangon ngayon sa lahat ng pinagdadaanan ko. Kahit kailan walang araw na umalis sila sa tabi ko. Kahit sa araw na halos wala na akong lakas para lumaban pa. Nandyan lang sila handang saluhin at palakasin ang loob ko. Hindi ko man sila nakikita araw-araw pero nananatili pa rin yung pagmamahal na gusto nilang iparating at iparamdam sa akin at yung saya kung saan nagsimula yung pagkakaibigan namin. Sila yung tipo ng tao na hindi ka magsasawa kapag kasama mo sila. Sila yung tipo ng tao na pwede mong sabihin sa kanila lahat ng nasa isip mo. Sila yung tipo ng tao na araw-araw ipapaalala sayo kung ano yung halaga mo bilang isang tao. Walang oras o araw akong pinagsisihan kapag nakikita ko sila. Nasa kanila na ata lahat ng hinihiling ko sa isang kaibigan. Kapag kasama ko sila, walang kapantay yung sayang nararamdaman ko. Bigla ko na lang masasabi sa sarili ko, kaya ko pa rin palang maging masaya. Kaya ko pa rin pala. Abutin man ng ilang buwan na hindi kami nagkikita kita. Pero hindi mo kahit kailan mararamdaman na may nagbago sa bawat isa sa amin. Nananatiling simple, puno ng pagmamahal, at patuloy na pagbibigay ng halaga sa bawat isa. Kaya ganito na lang ako sobrang nagpapasalamat sa itaas dahil ibinigay niya sa akin yung mga taong handang gawin ang lahat para sa akin. Yung hindi bibitawan yung kamay ko kahit gaano man kapangit ang araw ko at kung gaano man kalala ang mga problema ko. Maraming salamat sa inyo. Hindi sapat ang “Mahal na mahal ko kayo”, “I love you so much.” para maiparamdam ko sa inyo kung gaano ko kayo kamahal. Dahil sa totoo lang hindi mahihigitan ng mga salita yung pagmamahal ko para sa inyo. Sa dinami dami na at tagal ng pinagsamahan natin. Nananatili kayong nasa tabi ko. Alam kong makakasama ko kayo hanggang sa maabot na natin lahat ng pangarap natin sa buhay. Alam kong marami pa tayong gagawin na memories na kahit kailan hindi natin makakalimutan at mananatiling nakatatak sa mga isip at puso natin. Gusto ko lang na palagi niyong tatandaan na mayroong Christine Mae G. Raquidan na hinding hindi mawawala sa tabi niyo. Iwan na kayo ng lahat ng tao sa paligid niyo, pero nandito lang ako handang bigyan kayo ng mahigpit na yakap lalung lalo na sa mga araw na hindi niyo na kaya yung mga pagsubok na pinagdadaanan niyo. Mahal na mahal ko kayo. At saksi si God kung gaano kayo kaimportante sa akin. Wala na akong maihihiling pa. Maraming salamat at dumating kayo sa akin. Maraming salamat dahil patuloy pa rin kayo nagiging bahagi ng bawat pangyayari sa buhay ko. Maraming salamat dahil isinasama niyo ako at ginagawa niyo akong parte sa mga pangarap na binubuo niyo. Isa kayo sa pinakamagandang blessing na ibinigay Niya sa akin. Maraming maraming salamat. :)










