“Galing ng Pinoy”
Tunay ngang napatunayan na o subok na ang galling ng mga Pinoy sa iba’t-ibang larangan. Mapa-sports, academics, sa pagkanta at sa pag-sayaw siguradong hindi magpapatalo ang mga pinoy diyan. Marami na rin mga pinoy ang nagpatunay rito. Tara, at alamin natin ang ilan sa kanila.
Sa panahon ngayon hindi maikakaila na isa tayo sa mga sikat na tao sa buong mundo. Kahit saan man panig ng mundo at kahit ano man mga pagsubok at trabaho siguradong panalo ang mga pinoy dyan. Unahin na natin sa basketball, kahit hindi tayo nananalo lagi ay masipag pa rin tayong sumali sa mga iba’t-ibang mga kumpetisyon. Nandyan din ang ating mga ilang atleta na nagbigay sa iba’t-ibang larangan ng sports gaya sa chess, billiards, weightlifting at sa boxing. Para sa mga Pilipino, Manalo man o matalo ay laban lang ng laban. Hindi sila sumusuko kahit anong mangyari makapag-uwi lamang ng karangalan para sa ating bansa. Isama na rin natin ang mga OFW na nagtatrabaho para sa kanilang mga pamilya. Malaki rin ang naitutulong nila sa ekonomiya ng ating bansa sa pamamagitan ng pagpapadala ng pera. Nandyan din ang mga magagaling natin mga manganganta at mga mananayaw na nagbigay rin ng gantimpala para sa Pilipinas.
Nakakabilib nga ang mga Pinoy. Siguradong hindi sila magpapatalo. Tunay ngang nasa dugo na natin ang pagiging magaling, masipag at malikhain sa iba’t-ibang mga bagay. Lagi rin natin isaisip na tayong mga Pilipino ay dapat magkaroon ng disiplina at takot sa Diyos. Kahit sino ka man, basta ikaw ay Pilipino ay dapat mo iyon ipagmalaki at ipagpasalamat. Ang pagiging Pilipino ay isang regalo na hindi matutumbasan ng maraming bagay. Kaya, mabuhay tayong mga Pilipino!












