Exciting bilihin sa umpisa,
Gagawin ang lahat, pag-iipunan mo pa
Pag buklat mo ng unang pahina,
Ang kwento mag sisimula na
Ang karakter nati'y magpapakilala
Aking ipapakita ang pinakamagandang bersyon,
Para makuha ang natatangi mong atensiyon
Ang kwento'y nagsimula na,
Dito na magsisimula ang mga problema
Parang tubig sa ulap ng hanging habagat
Problema ay pabigat ng pabigat
Hanggang sa hindi ko na mabuhat
Malakas na ulan, hampas ng hangin, isang bagyo
Tila tayo'y isang malaking puno
Matayog man ay tumumba't sumuko
Sa hampas ng hangin na dala ng bagyo
Ngunit tulad ng isang libro
Ay malalagpasan ng isa-isa
Bagong simula ang natanaw
Sumibol ang bagong pag-ibig
Alagaan ang puno'y ating natutunan
Mas matibay na tayo ngayon
Sa mga problema ay madaling maka ahon
Kahit tayo pa ay hampasin ng paulit-ulit ng alon
Parang bato na hinahampas ng tubig
Kahit gaano pa tayo katibay,
Sa tagal ng panahon tayo'y bibigay
Timba ay napupuno ng galit
Ang hawak ko'y pahigpit nang pahigpit
May hangganan rin at napupuno na
Sa maliliit na bagay ay nagagalit
Mga bagay na aking ipinipilit
Pagod, Wika ng iyong mga labi
Itigil na ito, ang iyong sinasambit
Kaba ang kabog sa aking dibdib
Tuwing ang galit mo ay maaraw
Tila sorbetes, ako'y natutunaw
Sa tuwing ako naman ang umaraw
Ang katahimikan mo'y tila sumisigaw,
Ako'y nabibingi sa katahimikan
Ika'y parati nalang lumalayo
At ako naman itong parating nanunuyo.
Isa pa, at ako'y mapapagod na
Nakakabinging katahimikan
Para iparating ang galit na aking nararamdaman
Nag hihintay sa iyong suyo
Pag-ibig naman ay aking pinakita
Kahit may bahid ng pagkadismaya sa aking mata
Ngunit sa oras na iyon ako ay napuno na
Ako ay may hangganan rin pala
Palayo, ikaw ay pinagmasdan
Sa puso ika'y aking sinundan, ngunit ang paa ko'y lumisan
Meron rin naman akong halaga
Sana sa pag lisan ko'y iyong makita
Parang isang serye ng libro
Alam kong ito ay ang dulo
Ng isang kabanata ngunit hindi ng libro