dapat lang (april 27, 2026) alternate ending/final version
pangalawang tula ko na ata ito~ muntikan ko pang hindi ilabas sa mundo dahil nahihiya / napapangitan ako kahit di ko naman konkretong maisip ang dahilan (baka dahil rin di naman talaga ako nagsusulat). nakakatakot magsulat, napakabulnerable. nagkaroon lang ako ng kampyansa dahil pinakita ko ang pinaka-unang version nito sa isang cultured na bading na hindi mahilig sa tula, at nagustuhan naman niya, nakita pa ng jowa at iba pang mga kaibigan, hanggang sa nailabas na ito sa social media (nasa profile pa ni celine murillo T.T). mas nakikita ko ang sarili ko bilang isang layout artist kaysa manunulat, pero ibang klase rin palang pakiramdam ang ibuka mo ang sarili mo gamit ang mga salita at malaman mula sa ibang mga tao kung paano sila naantig nito. yun pala siguro ang saya ng sulat, hindi lang pala ikaw ang nagpapakabulnerable. isa pala siyang kolektibong karanasan ng pagpapakatotoo, pagpapakatapang, at paghilom. puso sa puso, laman sa laman.
maituturing ko na rin siguro itong parting gift sa agham, isang paglalagom ng mga natutunan ko (sa loob, pati maging ang mga kritisismo) ukol sa paggawa ng siyensiya na mula sa tao, para sa tao. mahal na mahal ko ang agham, napakalaking dahilan kung bakit minamahal ko ang sarili ko ngayon ay dahil sumali ako dito. ngunit sa pakiramdam ay mukhang end of an era na talaga. looking forward akong kumilos para sa st exposure!
other version: https://www.instagram.com/p/DXngt7wk-WB/?img_index=1