Nakita ko habang naglilinis ako ang drawer. Mga panahon na wala pang fb, instagram at twitter #childhoodmemories #flashbackfriday

Andulka
No title available
No title available
we're not kids anymore.
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year
Misplaced Lens Cap

Discoholic 🪩
official daine visual archive

ellievsbear

No title available
trying on a metaphor
macklin celebrini has autism
Keni
No title available
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
taylor price
YOU ARE THE REASON

if i look back, i am lost
🩵 avery cochrane 🩵

pixel skylines
seen from Türkiye

seen from United Kingdom

seen from Malaysia
seen from Singapore
seen from Saudi Arabia

seen from Saudi Arabia

seen from Malaysia
seen from Japan

seen from Malaysia

seen from Maldives
seen from Saudi Arabia

seen from Malaysia
seen from France

seen from Japan

seen from Netherlands
seen from Malaysia

seen from Malaysia

seen from United States

seen from Türkiye

seen from United States
@simplegurl1311
Nakita ko habang naglilinis ako ang drawer. Mga panahon na wala pang fb, instagram at twitter #childhoodmemories #flashbackfriday
10 years ago...
Second year high school ako, tandang tanda ko pa, may hawak akong papel na may nakasulat na e-mail address. Noong mga panahong iyon, nauso ang Friendster.
Gusto kong magkaroon ng maraming kaibigan sa kauna-unahang social networking site na nasubukan ko. Mga kaibigang magbibigay sa akin ng testimonials kung ano ako para sa kanila. Mga katotohanan at minsa’y pambobola na talaga namang nakakatuwang basahin.
Tuwing Sabado lang ako nakakagamit ng computer namin. Isang oras kada isang linggo. Tatlo kasi kaming gumagamit ng computer - ako, si Kuya at ang pinsan ko. Bukod pa roon, mahal din ang ISP Bonanza na pan-load sa dial-up internet.
Hindi pa ganoon kabilis ang internet dati. Swerte na kapag naka-54.6 kbps ka. Kaya pupunta ka palang sa homepage ng friendster, inabot ka na ng tatlong minuto. Malas lang kapag may tumawag sa telepono dahil madi-disconnect ka.
Hindi ganoon kahalaga ang friendster noon. Hindi ka kailangang araw-araw naka-online (kasi hindi ka rin naman papayagan ng magulang mo dahil mahal ang internet)
Sasapit ang Lunes. Pasukan na naman. Makikita mo ang mga kaklase mo at magkakamustahan kayo. Hindi ninyo kasi alam ang mga ginawa ng isa’t isa noong weekend. Ikukwento naman ng isa mong kaibigan yung lugar na pinuntahan nila noong Sabado. Isasalarawan niya ang magandang tanawin papuntang Baguio. Ikukwento niya kung gaano kahaba ang binyahe nila at kung anu-anong pagkain ang kinain nila. Walang larawan. Pawang mga salita lang.
Darating ang teacher niyo sa Biology. Magdi-discuss ng mga phylum at kingdom ng mga hayop, insekto, tao at kung anu-ano pang organismo. Titingin ka sa kaibigan mo na nasa Row 2. Pupunit ka ng papel sa likod ng notebook mo at sisimulang magsulat. “Sabay tayong mag-recess.” Titiklupin mo at ipapaabot sa mga kaklase mo hanggang sa makarating sa kanya.
Recess time. Sabay kayo ng mga barkada mong kumain ng burger steak na tig-bebente at footlong sandwich na hinati sa dalawa. Patuloy ang tawanan at asaran habang kumakain. Wala kayong hawak bukod sa mga pagkaing binili niyo sa canteen. Magngingitian. Magtitinginan. Mag-aasaran. Magkukulitan.
Sa daan pabalik sa classroom niyo, magkukwentuhan kayo ng bestfriend mo. May problema siya. Nagulat ka kasi ngayon mo lang nalaman. Matagal na pala siyang may problema sa pamilya. Tatabi kayo sa gilid at mag-uusap. Makikinig ka sa kanya. Kung may masasabi ka, ipapayo mo ang mga bagay na sa tingin mo ay dapat niyang gawin at maramdaman. Yayakapin mo siya.
Nagpatuloy ang klase niyo. Nakatingin ka pa rin sa bestfriend mo. Malungkot pero noong napatingin siya sa ‘yo, itinaas mo ang kanang kamay mong naka-thumbs up, sabay ngiti. Mapapawi ang lungkot sa mga mukha niya. Bahagyang ngingiti at magpapasalamat.
Pagkatapos ng klase, tatambay kayo ng barkada mo sa basketball court, tulad ng ginagawa niyo araw-araw, nag-uusap kayo. Nakatingin sa isa’t-isa. Minsan, naghahampasan pa. Nagtatakbuhan at nagkukulitan.
At pagkatapos ng araw, pipikit ka at mapapangiti. Magdadasal ka ng pasasalamat sa Panginoon dahil nakilala mo ang mga kaibigan mo.
Makakatulog ka.
10 years after…
Lahat ng iyon, nababasa mo na sa Facebook. Hindi na nila kailangan ikwento dahil ia-upload na lang nila ang pictures sa Baguio. Hindi mo na kailangang magulat sa problema ng bestfriend mo dahil halata naman sa mga status niya. Ila-like mo at magco-comment ng smiley. Kapag recess na, magtetext ka lang na sabay kayong kumain. Sa lamesa, busy ang lahat, nakahawak sa mga kanya kanyang cellphone. Nakatitig sa hawak na cellphone, hindi sa mga mata ng kasama mo. Walang hampasan. Walang kulitan. Mayroon siguro, sa pamamagitan ng pagcomment sa nakakatawang photo niya. Wala nang takbuhan. Wala nang ngitian. Feeling happy or sad or sick na lang ang tanging makikita mo. Hindi mo na kailangang makiramdam sa kanila kasi lahat, nababasa mo na.
Nakaka-miss lang noon. Nakaka-miss ang mga panahong nag-uusap kami gamit ang boses, hindi keypad. Nakaka-miss.
Yung feeling na 10yrs ago ay parang a year ago lang. Ganun pa man ang laki ng epekto ng SNS (Social Networking Sites) sa buhay natin ngayon. Namiss ko tuloy ang High school.
Dogs are family. #stopyulin2015 #stopyulinfestival
#stopyulin2015 #stopyulinfestival
#stopyulin2015
#PhotoGrid
Si chico ang mukang paniki (sabi ng tatay) Chico papayag ka muka ka daw paniki...
Jumbo Happy Doggy
Duhat
Rambutan
lemon tree #PhotoGrid
10 posts!
Meet our new puppies Jumbo&friends #unexpectedpuppies
Tagal maging orange..□□□ #growsomethinggreen that turns to orange Late post.