My mental health is declining..again
I hope no one knows me here. Anyway.
I know its getting bad again when I can't do the things I used to love to do. I used to love playing sims, I spent HOURS playing sims, but now I tried it and it only took me atleast 1-2mins bago magquit. I used to enjoy playing bass and/or eg, but di ako makatagal. I dont go out anymore like I used to. I dont go see my friends anymore like I used to. I dont reach out to my friends anymore. I dont write anymore (except this). Pati pagbabasa ng fanfic di ko na din magawa e yun ung enjoy na enjoy ako dati. Di rin talaga nakakabuti sakin yung most of the time for the past 7 yrs na nandito ako sa bahay. Kung tutuusin swerte ako kasi March 2020 palang, e pinagwfh na ko and since then, puro work from home na yung work. Pero ewan nakakabaliw din talaga. Wala pa kong parang niche na magaling. Wala din ako parang sabihin na nating ORG na sinasalihan. Wala akong circle of friends na lagi ko nakakasama, nakikita. Kung magkikita naman kami ng mga friends ko, ewan, magastos na yung bawat gala. Dati nag eenjoy pa ko iwalk mga aso ko pero ngayon di ko na din magawa. Nalagpasan ko naman na to dati, bumalik lang ulit ako sa hole ngayon. Actually, dati ko pa alam na masama na naman yung state ng mental health ko, in denial lang ako. Medyo matagal tagal na ko naghahanap ng professional help pero parang ang hirap din talaga maghanap ng affordable. Di ko nga din alam kung desidido na ba ko na magpapacheck ako. Tsaka kung magpapacheck ako, ano end goal ko? uminom ng gamot? hindi makafeel ng anything? maintindihan ang sarili? makapagfocus? mas mabilis makaalala? di ko din alam.
Isa lang nakakatulong sakin, yung pagdadrive. Yun nalang talaga, kasi napipilitan ako magfocus sa iisang thought, lahat ng senses gumagana, and napipilitan magfocus sa iisang bagay. Pero pag uwi, yun ulit. Sana malagpasan ko to.















