7/23/26
Umaga: pandesal sa bahay, malunggay pandesal sisig rice at 3-in-1 nescafe orig sa bacolor palengke
Tanghali: sisig rice sa betis, gulaman c/o ethan, kwek kwek sa sta rita palengke
Gabi: tapsilog sa lope de vega
(Punong-puno puso ko)
h
cherry valley forever
Not today Justin

No title available
𓃗
No title available

blake kathryn
★
ojovivo
Keni
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year

Andulka
One Nice Bug Per Day

Origami Around

bliss lane

izzy's playlists!

PR's Tumblrdome
No title available
Doug Jones
Sweet Seals For You, Always

seen from United States
seen from United States
seen from Chile

seen from India

seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Türkiye

seen from Japan
seen from Malaysia

seen from United States
@ssakitin
7/23/26
Umaga: pandesal sa bahay, malunggay pandesal sisig rice at 3-in-1 nescafe orig sa bacolor palengke
Tanghali: sisig rice sa betis, gulaman c/o ethan, kwek kwek sa sta rita palengke
Gabi: tapsilog sa lope de vega
(Punong-puno puso ko)
7/21/26
Umaga: bacon spread sa pandesal
Tanghali: binaong buffalo wings at kanin na kinain sa ermita
Gabi: ininit na carbonara kasi napangiwi ako nung nakita kong basang hipon ang ulam
6/30/26
Ham sandwiches w/ mangoes on side
Rice w/ scrambled eggs & vegs
Pares rice sa guadalupe
Nice day
6/11/26
Eggs, ham, toasted siopao
Tokwa't baboy at half rice sa rpapa
Peanuts
(I have no right to demand better from the world)
6/10/26
Shawarma rice sa recto
(Sun spills. Mental clarity. I want to be good to you.)
4/17/26
Nasa dila ko pa rin ang lasa ng alak na pinaghatian natin dalawang taon nang nakaraan kasi tumigil na rin pala memorya ko nitong huling mga buwan. Wala na akong makilatis na bakas ng sagrado dahil nakaltas na ang mga pundasyon, narumihan na. Di ko na alam ano pang magagawa ko ngayon na nagiba na lahat ng sagrado para sa akin. Walang makatao sa mundong to
3/2/26
Cheeseburger sa rpapa
Nescafe black timpla na tinapon ko rin kasi di ko na masikmura sarili kong balat at saan ko dinala sarili ko at saan ko dinadala sarili ko. Tama ka nga na mapanganib itong mundo at hindi ko yun sineryoso nung una kasi minahal ko ang mundo at nung bata ako naniwala ako na mabuti ang mga tao gusto ko lang maging tao pakiusap gusto ko lang maging tao bakit kailangan na pagpatak ng gabi matatakot ako miski sa sarili kong anino at balahibo at di ko alam bakit kailangan kong magpakamakata ngayon na guho na ang lahat pasensya kung wala na akonf ginawa kundi manakit at sirain lahat ng mabuting bagay natatakot na akong maglakad sa dilim nang mag-isa
2/28/26
Sisig at hot wings sa sumulong hwy
Americano sa sumulong
Suman sa marikina
(Lason din minsan mahalin sarili mong pagkabata.)
2/27/26
Minsan kakain lang ako para magkunwari na nasa tabi lang kita. Magkaratig-balikat sa lamesa habang nag-uusap tayo tungkol sa huling pinanood kong episode ng paborito mong TV show na pinanood ko lang dahil gusto ko yung kislap ng ilaw sa mata mo kapag nakangiti ka't nagsasalita nang tuloy-tuloy tungkol sa mga hilig mo nang di mo namamalayan kung ilang oras ka nang tumatalastas hanggang sa makita na nating dumidilim ang paligid at matatawa tayo sa isa't isa kung grabe ang bilis ng panahon kapag magkasama tayo at isang araw na nanaman ang lumipas at sabay maglalakad ang nangingitim nating mga anino sa aspalto ng di makilalang kalye at maghihiwalay tayo sa bagtasan na sumesenyas ng norte at timog, ikaw at ako sa magkabilaang kanto kasabay ang iilang lehiyon ng mga komyuter na uwing-uwi na rin at maghihintayan kung sino unang kakalas ng titig para pumara ng dyip pauwi sa kanya-kanyang bahay at hindi ko masabing sa kalahati ng buhay ko ay walang masunggabang tuntungan ang mga paa ko kaya't wala akong ibang alam kundi bumitaw at kumalag at kumawala at magtakbo at magtago at lumubog at umiwas at umagos mag-isa. Hindi ako magaling sa pagpapaalam. Nagugutom ang pandamdam ko. Kahit saan basta. Hindi ko rin alam. Sana.
2/18/26
Dinakdakan sa gastambide
Miss ko na mabuhay
11/9/25
Juicy lemon c/o pao
Ramen + udon ata sa san lazaro
(Ngayon ko lang uli nalasahan kinakain ko, ang hirap malasahan pagkain kapag wala ka. Gusto ko na maging ok. Gusto ko nang mawala kung ano mang sakit to. Ayoko nang maging ganto. Sana nakilala kita habang bata pa tayo.)
10/21/25
tocino n rice
tokneneng sa tutuban
zus spanish latte c/o pao
(di ko na maalala mga nakain natin nung huling mga linggo. yung naaalala ko lang yung pakiramdam.)
9/24/25
oreo pancake c/o pao
salted caramel latte sa tutuban nakihati kay pao
lemon square cheese cake c/o pao
sisig rice sa malolos capitolyo
biscuits c/o prod
manok chicharon n rice c/o prod
(ayokong sabihin sayo na napapagod na kong mag-isa kasi pinangako ko sayo na kaya mo akong sandalan. hindi ko na alam gagawin ko sa sarili ko hanggat hindi ko pa pwedeng sukuan yung tanging pinanghahawakan mo sa akin.)
9/22/25
ilocos empanada b1t1 c/o pao
iced capp sa bakehouse shang
(ayoko na maging ganto pero hindi ko alam kung san magsisimula.)
9/20/25
10 yen cheese pull biscuit c/o mama
magure soba n egg yakisoba c/o mama
9/19/25
donut sa baba ng ortigas lrt c/o pao
tokneneng sa labas ng megamall c/o pao