Captured
Unang beses palang kita makita,nasabi ko na sa sarili ko na iba ka.
Tahimik pero mapang-asar,mabait pero sumpungin.Hindi pang-Daniel Padilla o James Reid ang datingan pero may kakaibang appeal.
At first,nawiwirduhan ako sayo.Hindi kasi kita mabasa e.May sarili kang trip,kaya  naman nagsimula akong ma-curious at maging interesado sayo.
Madalas na kita tinitignan..Pinapanuod ko bawat kilos mo.Minsan pa nga,napapangiti nalang ako mag-isa.Naaaliw na ako na panuodin ka.Naisip ko tuloy,hindi kaya ako na ang wirdo sating dalawa?
First time na nakausap kita,ang saya saya ko!
Na-realize ko na hindi ka naman pala ganun ka-weird..Joke!
May pagka-weird ka nga kasi ang hilig mo mang-bara ng mga kausap mo.May pagkakataon pa na tumatawa ka bigla habang hawak mo phone mo.
That small talk that we had,it means a lot for me.Pakiramdam ko nga kahit barahin at asarin mo lang ako buong araw ay ayos lang.
Months passed by,we became..not-so-friends.Yun bang tipong magkaibigan tayo,pero hindi tayo ganun ka-close?Kasi naman ikaw.Oo nga't lagi tayong magkakasama ng mga kaibigan natin,pero you always have your own world.Kahit mag-isa ka lang nagagawa mong sumaya sa sarili mong mundo,hindi gaya ko na gulong gulo sa mundong kinabibilangan ko(idagdag mo pa na naguguluhan  na ang puso ko sayo.Lol!)
Buti nalang at dumating yung araw na nagyaya maghang-out ang mga kaibigan natin.Kwentuhan.Gala.Foodtrip.Nabusog nga ako e,sa mga pambabara at pang-aasar mo.Nagkaroon ako ng mas mahabang oras na kakwentuhan ka.Halos tayong dalawa nga lang ang magkausap.Walang pakialam sa iba basta nagkakaintidihan tayong dalawa.
Ang kulit mo nga e..isipin mo yun,bigla mo akong pinahidan ng icing ng cake sa mukha! Arrrgh inis na inis ako dahil ang dungis ko na,pero kinikilig ako.Hahaha Pinilit ko makaganti pero mas matangkad ka sakin kaya naman bago pa kita maabot ay nahuli mo na ang puso ko..este ang kamay ko pala! (Pero nahuli mo na talaga ang puso ko,matagal na)
Yung dating not-so-friends na status natin,naging close friends na.Unti-unti akong nakapasok sa mundo mo,hanggang sa maramdaman kong kabilang na ako dito.Sana nga..sana nga may parte na ako sa mundo mo.Kasi ako,napuno ng saya ang mundo ko,mula nang dumating ka dito.
Isang araw nagising nalang ako na hindi ako mapakali.Gustong-gusto ko na ipagsigawan ang nararamdaman ko.Mahal kita!
Nagdesisyon akong umamin na.Nagkita tayong dalawa.
Halong kaba at saya ang nararamdaman ko ng makita kita.
“Anong meron?” Nakangiting tanong mo sakin.
“May sasabihin ako...” Eto na,eto na talaga. “Mahal kita!” Napapikit pa ako ng sabihin yan.
Naghintay ako ng sagot mo,pero wala.Nakatingin ka lang sakin na tila ba naghihintay din ng iba ko pang sasabihin.
“Alam ko,nagsimula tayo sa pagiging magkaibigan..pero..unti-unti akong nahulog.Mahal kita”
Isang buntong hininga at iling ang pinawala mo. “Hindi pwede”
“B-bakit?Dahil ba magkaibigan tayong dalawa?Ayos lang,wala namang magbabago basta hayaan mo lang ako na mahal--”
“Hindi pwede dahil may mahal akong iba.Pasensya na..pero..hindi talaga”
Agad kang tumayo at lumakad papalayo saakin.Unti-unti kang lumalabo sa paningin ko..dahil sa mga luhang pumapatak mula sa mata ko.
Alam ko na.
Ngayon alam ko na.
Umasa lang ako na meron,yun pala wala.
Akala ko pwede,yun pala hindi.
Nasaktan ako ng todo.
Kaya naman ngayon,pinapalaya ko na ang sarili ko..
Pinapalaya ko na ang sarili ko mula sa mundo na akala ko ay satin..
Pinapakawalan ko na ang puso ko,mula sa kulungan na ako lang pala mismo ang bumuo.








