Gusto kong magmahal muli. Pero sa tamang panahon at pagkakataon. Pati narin sa tamang tao. Yung hindi ako sasaktan tulad ng naranasan ko dati. Yung ipapakitang mahalaga talaga ako para sa kanya. Yung hindi ako ilalayo sa mga kaibigan ko. Gusto ko makakasundo siya ng mga taong nagmamahal sa akin. Yung hindi ako ipagpapalit. Gusto kong makasama yung taong magsisikap para buhayin ako at ang aming magiging pamilya. Gusto ko yung may relasyon kay God. Yung siya pa mismo ang magyayaya para magdasal, siya yung magyayaya para magsimba. Gusto ko yung pakikinggan yung side ko at hindi lang puro sa kanya. Yung ipaparamdam saakin araw-araw na maganda ako kahit na ang oily at kulubot na ang mukha ko; at kahit hindi ako sexy gaya ng iba. Gusto kong makasama yung lalaking hanggang pagtanda namin, magkaholding hands parin kami kapag naglalakad sa kalsada. Yung aalagaan ako at bibilihan ako ng gamot kapag may sakit ako. Yung ginagalang ang mga magulang ko lalong lalo na ang mga magulang niya. Yung lalaking maraming pangarap at pilit na inaabot ang mga iyon kahit na mahirap at maraming pagsubok. Yung taong hindi ako iiwan hanggang kamatayan. :|
BGM: A Thousand Years by Christina Perry & Para Lang Sa'yo by Aiza Seguerra












