5SOS posted on IG — Feb. 18th, 2016


#dc comics#batman#dc#bruce wayne#tim drake#dick grayson#batfamily#batfam#dc fanart





seen from United States

seen from Malaysia

seen from Malaysia
seen from China
seen from Malaysia
seen from Russia
seen from United States

seen from Malaysia
seen from South Africa
seen from China
seen from Malaysia

seen from Germany

seen from United States
seen from United Kingdom

seen from Malaysia

seen from Malaysia
seen from United States

seen from Australia

seen from United States

seen from United States
5SOS posted on IG — Feb. 18th, 2016
5SOS posted on Twitter (Part 1 & 2) — Feb. 18th, 2016
Michael with fans in Japan — Feb. 18th, 2016
Calum, Ashton, and Luke with fans in Japan — Feb. 18th, 2016
Michael posted on IG — Feb. 18th, 2016
Ashton posted on Twitter — Feb. 18th, 2016
Ashton and Luke posted on Twitter — Feb. 18th, 2016
Kasaysayan: Saysay ng Kasawian
Madalas kong isipin noon, para saan ang pagaaral ng kasaysayan? Bakit kailangang balik-balikan ang sakit at pighati na pinagdaanan ng ating bayan? Hindi ba dapat nang ibaon ang nakaraan dahil sa bawat paglingon natin, ay mas nadadagdagan ang ang peklat na dapat alagaan?
Dahil, mahal, pagod na pagod na akong lumingon ng balik balik at pabalik balik at pabalik-balik. Sabi nila, sa bawat paglingon mo ay mas magiging matatag ka. Ngunit pakisabi sa akin kung bakit sa bawat pagpaltik ng orasan tuwing lumilingon ako, ay bawat pagalala ko rin sa sakit at pighati ng malaman kong wala palang tayo?
Alam mo, upang manalo ka raw sa larong ito ay dapat una pa lamang ay ibinubura mo na ang salitang pagsuko.
Noong nginitian mo ako, at sinabing 'nais kong sakupin ang mundo' na may kasamang pagkinang ng iyong mata, noon ko lang din nalaman ang totoong kahulugan ng salitang pagsuko.
Ang daming beses kong sinubukang burahin ang salitang iyon. Burahin gamit ang eraser, gamit ang correction tape. Sinubukan kong tapalan ng iba pang mga salita, sinubukan kong lunurin ang salitang 'yon gamit ang ilang bote ng alak. Ilang bote ng alak, araw araw akong nagpapakalasing. Ninanais na ng aking mga kaibigan na ako'y tumigil ngunit kinaumagahan, imbis na sakit sa ulo ay, sakit parin sa puso ang aking idinadamdam. Sinubukan kong takpan gamit ang ngiti ng iba, at nakakagago dahil wala akong ibang magawa kundi sumuko sa salitang pagsuko.
Alam mo, sabi nila, ang dalawang bato kapag nagkabanggaan at patuloy na ipinagdidikit at ikinikiskis sa isa’t isa ay lilikha ang mga ito ng init na sa kalauna’y magiging apoy. Na sa tulong ng ihip ng hangin ay lalaki ito at sasakop ng higit pa sa espasyong nakalaan dito.
Sana alam mo ring tuwing ang balat mo ay hahaplos sa balat ko ay nagkakaroon ng apoy ang kaluluwa ko. At sana, sana alam mo rin na wala nang natitira sa akin kundi abo.
At ang sakit sakit balikan, kung paano tayo nagsimula sa ngitian, sa pasulyap sulyap hanggang gabi-gabi ay nagpapalitan na tayo ng mga kwento.
Ang sakit balik-balikan, na sayo ko natutunan na maaari ko rin palang mahalin ang mundo. Na sa bawat usapan natin ay minamahal ito, at higit pa roon, sa bawat usapan natin ay mas nahuhulog ako sa'yo.
Bakit nga ba binabalik-balikan ang nakaraan? Bakit paulit-ulit iniisip ang kung paano tayo nasaktan?
Sa tuwing madadaanan kita, at ang mga mata mo'y nakatuon na sa iba. Lubos akong nasasaktan. Ang mga mata mong saakin din nakatingin dati ay kailanman’y hindi ko magiging pag-aari.
Sabi nila, para manalo ka raw sa larong ito ay dapat una pa lamang ay ibinubura mo na ang salitang pagsuko.
Siguro una pa lamang ay wala na akong pagasang manalo, dahil nang isinama mo ang bala sa iyong mga ngiti patungo sa aking puso ay wala na akong nagawa kundi ang sumuko. Isinusuko ko na ang pagibig ko sa'yo. Isinusuko ko na ang pagkatao ko, at ang mga salita ko ay iaalay ko na sa'yo. Haharap ako, at hahayaan kong saktan mo ako hanggang maibaon ko na ang lahat ng sakit nito. At babalik balikan ko ito, hindi upang ipaalala sa sarili ang sakit at pighati. Babalik ako tanda na ang balang naitanim dito, ang balang dati-rati’y bumuwag ng tindig ko’y nakayanan ko nang hukayin.