Una sa lahat, mahal na mahal kita.
Sobrang hirap pigilin yung sarili ko na wag magmessage sayo pero ginagawa ko dahil yun ang hiling mo. Kahit pa ang ibig sabihin nun e pwede mo akong makalimutan. Kahit pa ang ibig sabihin non e pwede mo nang makalimutan yung nararamdaman mo sa akin na pagmamahal.
Kung kaya, dito na lang ako mananatili, kung saan pwede kong ibuhos lahat ng nararamdaman ko na hindi ka ginagambala. Ikaw na ang bahala kung babasahin mo hindi basta ako, andito lang.
Tutupad ako sa sinabi ko na kung hindi rin lang ikaw, mas gugustuhin ko nag mag-isa. Hindi ko alam kung paano papatunayan sayo dahil hindi tayo magkasama pero andyan naman si Mama at Papa at mapapatunayan nila sayo na binura ko lahat ng social media at wala na akong ibang pinagkakaabalahan pa kung hindi ayusin ang sarili ko, ang pamilya ko at lagi kang hilingin sa Dios.
Wala akong magagawa kung sa huli, may makita kang iba. Wala kang obligasyon sa akin. Ang sa akin lang, nangako na ako sa Dios at sa sarili ko, at sa mga magulang ko na mananatili akong mag-isa, kung hindi rin lang ikaw yung makakasama ko. Kahit sa huli, manatili akong mag-isa, okay lang. Kahit maging masaya ka na rin sa piling ng iba, pipiliin ko pa rin na mag-isa.
Dahil walang ibang lalake na deserve ng pagmamahal ko kung hindi ikaw. At palagi kong ihinihingi ng tawad yung pagkakamali ko, hindi lang sayo kundi sa Dios din.
Kagaya ng lagi kong sinasabi, lagi kang nasa prayers ko. Mahal kita.