paolo santoism :)
mga bagay na napagtanto ko noong 06B: buti pa ang mga bituin sa langit nagniningning, marami, bumubuo ng constellation parang magkakapamilya at parang ang saya saya pero naisip ko, di ba lightyears ang pagitan ng mga bituin? narealize ko,sila pala ang mga pinakamalungkot na bagay sa kalawakandahil ang totoo,sila'y hiwahiwalay at laging nag iisa naiisip ko na kaya sila nagniningning, kasi kulang sila sa pansin ganun din kaya ang sitwasyon ng mga tao? nagsasama-sama, nagkukwentuhan,nagpapasikatan perosa kabila ng lahat, ang totoong nararamdaman nila ay kalungkutan ngunit sa lahat ng ito'y isang tanong lang ang namutawi sa utak ko nararapat bang magniningning tulad ng bituin,para lang maitago ang nararamdamang kalungkutan? ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Ang pinakamahirap kaibiganin sa mundong ito ay ang mga taong friendly. Bakit?Simple lang. Sa oras na makilala mo ang taong iyon, marami na siyang friends. Oo, madali silang i-approach kasi alam mong di ka nila susungitan. Ngingitian ka pa nga nila eh. Kakausapin, kakamustahin at kung minsan ay ipapakilala sa mga friends niya at yayayain ka pa niyang sumama sa kanila. Ikaw naman sasama at susubukan mong makisalamuha sa kanila. Magpapakilala, mangangamusta at makikipagkwentuhan hanggang sa pipigain mo na ang utak mo sa kakaisip sa mga bagay-bagay na maaring pag-usapan. Pagkatapos ng lahat ng iyon, matatahimik ka dahil wala ka ng maikwento. Hanggang sa dumating ang oras na sila naman ang maguusap, magkukwentuhan at magkakamustahan tungkol sa mga bagay-bagay na wala ka namang alam at sila lang ang nagkakaintindihan. Kapag tumawa sila, makikitawa ka rin kahit di mo nagets ang mga sinasabi nila kasi nakikisama ka. Pag dumating naman ang oras na meron ka ng sasabihin,marerealize mo kung gaano kaliit ang boses mo sa kanila. Pero ang mas mahirap ay ang mahulog loob mo sa isang taong friendly. Ngitian ka man niya, wala namang ibig sabihin. Kamustahin ka man niya ngunit dahil lamang iyon sa kadahilanang nakaprogram na siyang mangamusta (friendly nga kasi). Mag-uusap man kayo, tungkol sa acads o kaya sa ibang tao o sa iba-ibang bagay maliban sa sinasaloob niya. Dahil dun, di mo magawang maging bahagi ng buhay niya. Kanino bang kasalanan ito, sa taong friendly o sa iyo? Kasalanan bang maging palakaibigan o kasalanan bang maghanap ng kaibigan?O mas marapat sabihing KA-IBIGAN? ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- excerpts from 06b logbook. wala lang.. naisip ko lang siyang ipost..:P nakita ko kasi ung point niya eh..hehehe..












