It has been 9years, Nanay. 9years being an angel of God. 9years without you here physically. 9years of loneliness because of the thought that we're not going to be with you.
I can still clearly remember the moments we've shared. Everything. Mula sa paglalagay mo ng diaper sakin nung baby up to grade3 ako, habang sinusuhulan mo ako ng rebisco strawberry. Tapos, nung elem susunduin moko sa school then diretso ng palengke. Pag weekends naman, uuwi ka tas aabangan ka namin bumaba ng tricycle para kuhanin pinamalengke mo sabay hingi ng 5php. HS, andyan ka palagi para saming sessionistas pag may session. Babantayan mo kami para walang mag-maoy. Support ka sa studies ko, at proud na proud ka sa mga achievements ko. College, gabi nako uuwi. Pero hinihintay mo padin ako umuwi para sabay tayo kumain, dahil alam mo na ayoko kumain ng walang kasabay. Ikaw tagabili ko ng mga libro pag short ako sa pera. Hanggang nagkasakit ka nalang, kakaalaga samin. Kakatrabaho para samin.
Kung kailangan ko ulitin lahat ng ginawa ako para sayo, bantayan ka sa hospital, buhatin ka pag kakain, magpalit ng diaper mo, toothbrushan ang pustiso mo, tumakbo sa botika kahit madaling araw, kausapin ka pag gusto mo, kwentuhan ka ng mga paborito mong kwento, kantahan ka pag gusto mo, suklayan ka ng buhok, palitan ka ng damit, paliguan ka sa ospital, at lahat ng bagay ng ginawa ko para sayo, lahat yun kaya kong ulitin, makasama ka lang. :'( Pero dibale nalang, titiisin ko nalang yung lungkot kesa makita ka ulit na nahihirapan.
Natatandaan ko pa, sabi mo nun gusto mo makita sana yung apo mo sakin. Pasensya na Nanay, hanggang ngayon wala padin. Hehehe. :) Okay lang yan. Wala ka eh, walang mag-aalaga. Char.
Mahal na mahal ka namin, Nanay! Until now nalulungkot padin ako. Nasasaktan. Miss na miss na kita. Gusto kong marinig ulit boses mo. Maramdaman yung mga kurot mo. Mayakap ka. Maamoy yung mabango mong kilele at buhok. Makita kang nagwawalis, nagpaplantsa, nagluluto, kumakanta, nagsesermon. Gustong gusto kita makasama. :'( Soon Nanay, magkikita tayo ulit. Alam ko masaya ka na dyan. Masaya ako dahil kasama mo na si Tatay dyan. :* Bantayan mo kami ha? Pati si Lola. ♥ Mahal na mahal ka namin.
Uyyy bongga, angel na si Alice Kamatis. ♥ Bilhan kita ng paborito mo, JOLLIBEE! YEYYYYY! WE LOVE YOU ALICIA. ♥
Isang yakap lang Alice Kamatis. Parang awa mo na. Hirap na hirap ako ngayon. Ikaw kailangan ko. Ikaw gusto kong makita. Ikaw kahinaan ko. At ngayong gabi, hahayaan kong sarili kong umiyak ng umiyak.