Modyul 8 - Panunuri ng Nobela
Maynila sa Kuko ng Liwanag
Nabigyan ng mainam na ideya ang mga mambabasa sa tamang pagpili ng salitang ginamit ni Edgardo Reyes para sa pamagat ng nobelang ito. Para sa akin, nagkaroon ng mapaglalang o “subtle” na panagano ang nobela.
Malalaman mo ang kwento ng buhay ng may-akda sa introduksyon ng nobelang ito. Nakalaad doon na si Edgardo M. Reyes ay interesado sa buhay ng mga manggagawa at ang estado ng buhay ng mga ito sa Pilipinas.
Nagsimula si Edgardo Reyes bilang isang mahirap na manunulat kung kaya’t naiwasan ang estilo ng kanyang pagsusulat ay nabihag talaga ang kahirapan ng pagtrabaho dito sa Maynila. Kanyang pinagtuunan din ng pansin ang mga iba’t ibang realismong naranasan niya mismo sa nobela.
· Julio – pangunahing tauhan; naghanap ng kanyang minamahal
· Ligaya – minamahal ni Julio; inasawa ni Ah Tek
· Ah Tek – pumatay kay Ligaya; naging kasintahan ni Ligaya
· Pol – mabuting kaibigan ni Julio; tumulong sa kanyang maghanap
· Misis Cruz – recruiter; isang human trafficker
Sinundan ng nobela ang kwento ng isang binatang probinsiyano humabol sa kanyang kababata/pinakaminamahal kung saan isinaad din ang mga araw-araw na pinagdadaanan ng mga manggagawang Pilipino at ng mga naghihirap na probinsiyano sa Maynila.
Si Julio ay isang binatang probinsiyano na napadpad sa Maynila upang hanapin ang nawawala niyang kasintahan na si Ligaya. Namasukan siya sa isang construction site kung saan naranasan niya ang kahirapan ng pamumuhay sa lungsod.
Sa kanyang paglalakbay, naranasan niya ang pagkapit sa patalim upang makapaglaan siya ng pangangailangan para sa sarili niya. Namasukan siya bilang kalapating mababa ang lipad sa mga bakla para lamang sa pera. Ito’y tiniis na gawin ni Julio para lamang siya’y tumagal sa Maynila at maabutan niya si Ligaya.
Nagsimula lahat ng ito nang may dumating na babae na nagngangalang Misis Cruz na nagsabi na siya’y isang recruiter at naghikayat ng mga dalagang sumama sa kanya sa Maynila para magkaron ng mas magandang buhay. Walang alinlangan na ito’y iskam kung kaya’t tumanggi si Ligaya at naunang pumunta sa Maynila para maghanap ng sariling trabaho. Sa kasamaang palad, siya’y napadpad sa kamay ng isang Intsek at siya’y ginawang asawa nito.
Nang matagpuan ni Julio na inasawa si Ligaya ng isang lalaking nagngalang Ah Tek, sinigurado niyang hindi siya maaabutan ng kung sinoman kundi si Ligaya.
Nang tumagal-tagal, nabayaran din ang kanyang paghihirap. Nagkatagpo sila ni Ligaya at lubos na katumbas ng halagang pinaghirapan niya para tiisin ang pamumuhay sa Maynila upang makita niya muli ang minamahal. Saglit lamang silang nagsama ngunit sa panahong iyon, nagkaron ng tiwala si Julio na ang mga susunod na araw ay magiging mas mabuti na simula noon.
Subalit, siguro hindi napawi ang kasakiman ng may-akda kung kaya’t hindi niya pinabayaang magwakas ang nobela sa isang magaan at masayang katapusan.
Pagkatapos ng ilang araw, nabalitaan ni Julio na pinatay ang kanyang kasintahan dahil nahuli itong tumatakas. Kung ano ang binilis ng pangyayari, ganun din ang binilis ng pagiba ng kanyang damdamin. Ang pagdudusa ay naging galit at ang galit ay naging nakamamatay. Hindi niya naiproseso ang buong pangyayari at lumusob na agad siya sa masamang gawain. Hindi niya na pinagisipan pa ang kanyang higanti at pinatay niya si Ah Tek sa mismong tirahan nito.
Katulad ng lahat ng pagkakasala, kinailangang magbayad din si Julio sa kanyang pagnakaw ng buhay. Namatay si Julio pagkatpos ng kanyang pagpatay dahil sa lubos na pambubugbog ng mga kapitbahay ni Ah Tek.
1. Panloloko ng mga probinsyano upang kumita ng pera sa pagsasabi na sila'y magkakaroon ng magandang trabaho pagdating ng Maynila:
Kabanata 5 Page 40
"..Ewan, Lum'was lang s'ya para magtrabaho't mag-aral. Isinama s'ya ni.. ewan kung sino 'yon. Misis Cruz ang tawag. Dumating sa baryo namin. Sabi, nangenge'langan daw siya ng mga babae na pagtatrabahuhin n'ya sa pabrika rito sa Menila. P'wede raw mag-aral. Ttalong dalagang tagaro'n sa'min ang nakuha, isa na nga 'yong nobya ko."
2. Pagkabaon ng Pilipino sa utang ngunit pinipili pa ding gumastos at gumastos:
Kabanata 5 Page 37
"Marami 'kong utang" Sabi ni Julio.
"Magkano?"
"Tatlong piso sa'yo, tatlong piso ke Imo, dal'wang piso ke Omeng, piso ke Gido. Magkano 'yon? N'webe."
"Di saka ka na lang magbayad ng mga utang mo."
3. Umuusbong ang prostitusyon bilang isang negosyo sa sobrang hirap ng ekonomiya ng Pilipinas:
“Katawan ang puhunan nila sa pakikikalakal”
4. Ang pagkukulang ng papeles o dokumento kung kaya’t nawawalan ang mga mamamayan. Hindi nila binibigyang importansiya ang mga patakarang makakatulong sa kanila:
“Ala kaming papeles na amin ang lupa. Si Giazon, meron. Basta’ng sabi ni Erpat naroon na kami sa lupang yon noon pa, amin na yon. Maging ang mga nuno naming, doon na ‘pinanganak’ alang nangyari. Talo kami sa usap”
5. Pagpapakita ng diskriminasyon sa mga mahihirap o mabababang uri:
“Sabi ni Atong at inginuso ang hanay ng mga barungbarong sa labi ng estero “isk’ water””
6. Pagkasanay na umasa sa iba sa pangungutang:
“Ha? Me… meron, Lumabas ako kagabi nakautang ako sa isang kaibigan”
7. Hindi makatwiran ang patakaran ng tamang pagbigay ng sweldo sa mga manggagawang Pilipino:
"Diba dapat e mas malaki'ng bigay sa obertaym?"
"Dapat pero di nasusunod yun dito' yon, umangal ka naman, sasabihin lang sayo na wag kang mag lamay kung ayaw mo."
8. Madalas ang mga hindi inaasahang pagkamatay ng mga kilala sapagkat ang pumatay ay naging pamantayan na dito sa Pilipinas:
“May dinedbol pala d’yan sa Agri-Fina Circle kagabi, a”,
“D’yan lang. ‘yong madammong liwasan d’yan sa pagitan ng Finance at ng Agriculture. Pinalo saka ninakawan. Kawawa. Pitong anak, isipin n’yo”
9. Pangaabuso sa kapangyarihan bilang isang nagtatrabaho para sa gobyerno o pagkakaroon ng koneksyon sa may kapangyarihan:
"ginulpi siguro'yon sa city jail" sabi ni pol.
"hindi lang sigurado nila akalain na madededbol nang nagkaganon, sumapakat ng mga loko sa isang drama para sa gusto nilang palabasin."
"ganon nga'ng balita e" sabi ni omeng
"meron palang kapatid na pulis si kalbo, sarhento, at sa city jail mismo nakadestino"
"sabi na e"
10. Mas masarap ang pamumuhay sa probinsiya kaysa sa lungsod:
“sa’min sa probinsya” sabi ng payat na lalaki sa tabi ni Benny, “miski pano, nakakaulan ako ng sariwa. Dalag-dalag. Gulay-gulay. Kaya kung minsan naiisip kong umuwi na’t magsaka na lang ulit.”