Kabiguan
Makakaiwas ka nga ba talaga sa kabiguan?? Siguro oo kung hindi ka susubok ay tiyak hindi ka makakaranas ng kabiguan. Kung hindi mo sinubukan, walang magiging resulta. Kung maganda ba o isang kabiguan na iyong madadala. Ang resulata, simpleng isipin; hindi ka matututo at wala kang mararamdamang pagbabago, na katulad o hawig din sa hindi mo pagdanas ng totoong pagibig, o kaya sa sa mga ideyang hindi ka mulat sa totoong mundo. Isang malaking pagkakamali kung wala kang ipupustang determinasyon. Ang taong hindi kayang tumaya o mag sakripisyo ay wala ring mapapala sa bandang huli.
“Kung gusto mong maging malaya, wag kang magpaangkin.”
“Kung gusto mo nang pagbabago, kumilos ka at baguhin ang dapat baguhin.”


















