Hej Dave, ito na ang huling sulat na gagawin ko para sayo. I just want to let you know that I'm very sorry. Tuwing may gustong manligaw sakin lagi kong sinasabi na hindi muna. Kasi ayaw kong maging unfair sa kanila. Hinding hindi ako gagamit ng ibang tao para lang masabi na hindi ako malungkot. Pero siguro pwede naman na di ba? Okay naman na di ba? Ilang taon naman na rin dave. Masaya ka naman na. Baka pwede naman na rin akong maging masaya, kasi dave tumatanda na rin ako. Gusto ko na ring palayain yung sarili ko, yung hindi na natatakot magmahal at masaktan ng iba.
Pero gusto ko rin sabihin sayo na lagi kang magiging special sa puso ko at masaya ako para sayo at magiging pamilya mo.Walang halong biro. Yung pagiging magkaibigan natin habangbuhay yun. Ingat ka palagi at wag mong kakalimutan na imbitahin ako sa kasal mo.
Ang kaibigan, na dating nagmamahal sayo. Bim