Wan Pisayk Six
As much as I don't want this post to be as cringy as fuck, as an emotional and soft-hearted motherfucker, baka maging gano'n ang tono nito.
Sisimplehan ko lang naman para hindi magtunog tangina pre, sukot. 'Di kasi ako nag-post sa Ig kaya dito na lang. Okay game. Disclaimer: Marami ata akong nalagay na mura. :)
Sa halos isang buong taon nating pagsasama, tangina sukot na agad, hindi ko lubos na maisip na naging gano'n lang kabilis lahat.
No'ng una alam ko lamang yung excitement sa katawan ko kasi naitawid ko hanggang college eh. Like putangina college na ako?! Gano'n gano'n lang? Parang nakipaglaro lang ako sa mga bata. E PUTANGINA THAT'S WHAT YOU THOUGHT, BITS! Laki nga ng pinagbago ko mula shs to college. Para akong naging isang whole ass new person kasi talagang iniwan ko yung sarili ko no'ng shs ako. Well, kaya naman ako naging ganito rin ngayon dahil sa mga taong nakapaligid sa akin no'ng shs. They made me like this. Luh parang gago? Tangina akala mo ang sama-sama ng nangyari. Going back, paulit-ulit ko na 'tong sinasabi at sinusulat sa notes ko, at uulitin ko lang ulit dito ngayon kasi talagang tinatakan ako eh. Pero putangina ng college life pre! 1st year pa lang ako pero 'di ko lubos na maisip na ganito pala siya kahirap. Talagang totoo pala yung mga reklamo at hinaing ng mga college students na napapanood ko sa social media. Tinanong ko pa yung ate ko kung mahirap ba college ta's kung anong pinakamahirap na year. Medyo nakaligtaan ko ata na magkaiba kami ng program at talino. Pero sa totoo lang kinalimutan ko rin lahat ng nalaman at mga dapat kong malaman ngayong college kasi hinayaan ko lang yung sarili ko na damdamin yung bawat daloy ng momento niya. Aba puta talagang dinamdam ko talaga bawat segundo at bawat sandali ng 1st year ko. Tangina naramdaman ko lahat eh. Naging barista ba naman ako ng sarili kong emosyon at damdamin- pinaghalo-halo ko ba naman lahat. Pero overall, I enjoyed it. It was a roller coaster ride pero I'm grateful na I'm with the right people. Weh? Kasi I cannot imagine myself na nasa ibang section ako kahit na hindi ko pa naman nakikita karamihan sa mga pagmumukha nila. Pero I believe nasa tamang section naman ako? Sana. Hanggang dulo. Kahit medyo tabingi minsan pero palagi namang gano'n. Palaging may tatabingi saan ka man mapunta pero gayunpaman makikita mo pa rin yung teamwork, bond, relationship, pati harmony niyo sa isa't isa. Thankful ako sa section na 'to kahit nagsasabihan ng hindi magagandang words to each other.. or maybe not to each other! HAHA! Kasi wala, sila yung naging kasama ko sa 1st year of experience ko sa college. Sa UST. Tapos BS Psychology pa. Tangina jackpot 'di ba. I know hindi kami magkakavibe pero makikita mo pa rin naman sa ibang aspeto ng buhay. Am really grateful to my cof kasi nandoon kami para sa isa't isa, at least or mostly, to survive everything. From our terror and nakakainis na profs to fucking endless quizzes and exams to sandamakmak na requirements to halakhakan, iyakan at laitan sa bawat kanto ng USTe. Iba talaga pinaramdam niyo sa'kin, girls. Salamat. SUKOT PUTANGINA I REALLY HATE CHEEZY MESSAGES.
Anddddd our 1st year just ended last month and it still feels surreal. Actually, medyo nagkakapaan pa nga kaming lahat kasi sa loob ng halos isang taon na 'yon, sobrang daming nangyari na talagang nakakagulintang. Kahit yung cof ko rito, pakarami ba naman namin, nagkakapaan pa rin. Daming plot twist ika nga nila. Pero respeto. Matatanda na kami. Bakasyon na muna.
I just hope na next school year, lahat kami, well at least, can have a good relationship and masugpo na yung awkward tension towards each other. KASI NAMAN YUNG IBA RIN.. JOKE I love p6.
Pero hirap magka-award dito par, ah. Kayod talaga. Or maybe I'm just too dumb to get one.
Thanks for the 1st year, p6! Onto the next one!
pota sorry sabi ko sisimplehan ko lang pero naging emosyonal na naman ang tao na 'to.
Incomplete class pic. 30 na nga lang kami, 'di pa makumple-kumpleto. 25 lang kami rito hehe.








