Nakakapikon. Trigonometry
Kasi ngayon dapat may mga natutunan na ako sa mga binasa ko kasi quiz bukas. Lintek wala. Blanko padin utak ko. Distracted eh. Nagpapamusic ako habang tinatry kong intindihin ang math, pero wala talaga akong maintindihan kasi nag eenjoy ako sa music. Kung papatayin ko naman yung music tapos saka ako nagtatry umintindi, yung mata ko naman humahapdi kasi inaantok na. Hays.
Wala talaga akong maintindihan! Kasi kunwari inaaral ko etong lesson nato, tapos di ko maintindihan kasi kelangan ko pa palang matutunan yung previous na pinag-aralan namin- eh yun ang problema, di ko naman natutunan yung mga past lessons namin. Di ko nasubaybayan mga past lessons namin up to now. Lintek patay na bata ako. Yung parang episode yung math na kelangang subaybayan kasi kung hindi, paktay, di mo na maintindihan mga susunod na mangyayari. Eh kung TV series ang Math, marami akong mamimiss na episodes.
Distracted talaga ako. Nakakapikon kasi di ko naman maintindihan tsaka tambak ako ng mga aaralin! Eh ang onti onti ng time ko, hectic ang schedule. Artista eh, joke. Hays. Pero seryoso. I mean, pano ko aaralin ang lima (pataas) na lessons sa math sa iisang gabi aber?! Hays tapos kelangan ko pang aralin mula't sa simula para maintindihan ko talaga. Hays. Mapua.
Kaya ko namang magfocus, kaso hindi sa Math. Mas gusto ko pang gumawa ng plates kahit ubod ng hirap eto. Atleast alam ko na may patutunguhan yung ginagawa ko,yung basta alam kong matatapos ko yung ginagawa kong plate. Di tulad ng math, di ko alam kung kelan ako matatapos ng pag-aaral. Parang walang kasiguraduhan ang pag-aaral ko sa math. Wala akong tiyaga sa math.
Kanina pa ako nag eenjoy sa mga kanta ni Bruno Mars, at ni Adele. Sobra ko silang nagustuhan. As in. Fan na nga ata nila ako eh, swear. Ang galing ng dalawa. Siguro kung may kanta silang dalawa, duet, humaygad angganda siguro nun! Hays, nakakainlove boses nila parehas!















