Una sa lahat, napagod ako diyan. Haha. Effort yan! Suntukan pag di niyo na-appreciate! Pangalawa, kayo yung pinakabet kong kaibigan dito, sa dinami-rami ba naman, eh kumuha lang ako ng 24, andami niyo kaya! Andun naman kayo sa gitna. Pangatlo, sorry sa mga di nakasali, kiss you like? Pang-apat, di ako marunong ng mahabang message, kaya maikli lang. Panglima, pantay-pantay naman lahat kayo, pero sila yung pinaka-love ko. Pang-anim, sila yung pinaka-nagmahal sa akin, tinuring na kaibigan, kasintahan, kalandian, kalokohan, brother, ina, kapatid, anak. Luh? Pangpito (perfect), I LOVE YOU!
Salamat. Napakaswerte ko at nakilala ko ang mga taong tulad niyo. Na kahit sa 370+ at 1600+ na followers ko, 5 lang ata ang kilala ko sa personal. Ngayon taon, isa sa pinakagusto kong taon. Bakit? Kasi ako at si Bb. Tumblr ay nagkatagpo. At kung hindi dahil sa kanya, di ko kayo nakilala. Nagpapasalamat ako na sa ilang buwan kong pamamalagi sa mundo ng Tumblr, di niyo ako iniwan, pinabayaan, kinalimutang mahalin, kausapin, patawanin at higit sa lahat, bigyan ng puwang sa inyong napakagandang buhay. Lubos lubos ang aking galak at dahil sa pagpindot ko ng mouse, nagkakilala tayo. Alam ko, imposibleng magkaroon ng kaibigan kung naka-upo lamang, pero hindi, sa simpleng pag-upo, pindot, pindot, higa, pindot, pindot, MAY MGA KAIBIGAN AKONG NAKILALA.
Alam ko, nagsimula lahat ito sa simpleng pag-sign up. Pag-log in. Follow. Follow back. Usap. Add sa facebook. Kuha number. Then poof! It became coco crunch! Dejk. Dun umusbong yung pagkakaibigan. Wait, naiiyak ako, pweh ang alat! :"3 Lasang dagat. Continue, napakaswerte ko na ang katulad ko, pinatulan niyo. Pero siyempre, sa gwapo at kabaitan kong ito, di kayo papatol? Aba aba. Choosy?
Yun nga, kayo ang highlight ng 2012 ko. Tumblr and Friends. Di kumpleto ang pagta-tumblr ko araw-araw kung di ko kayo nakilala. Atsaka pala, sa inyo din ako natutong gumastos ng load, para matext kayo. Haha. Bayaran niyo ako! Dali! Kahit kiss lang! At sa inyo din ako natutong magmahal, magmahal ng di kilala, kahit di pa nakikita.
Masakit na mga daliri ko, bagong manicure kaya toh. Kaya hanggang dito na lang, tandaan niyo, MAHAL NA MAHAL KO KAYO TO INFINITY AND BEYOND AND SOMEWHERE OVER THE RAINBOW! SANA DI KAYO MAGBAGO. STAY HUMBLE, AWESOME AND LOVABLE. STAY POGI AND MAGANDA. I LOVE YOU! MUAH MUAH TSUP TSUP CATSUP!
Nagmamahal,
Jayver "Bey" Galang Montoya Punsalan y Toque :*













