Ang taray ng tawag diba? Nung una di ako masyadong excited. E kasi parang pasok pasok lang ng kweba yung gagawin. Tapos kinakabahan ako kasi paano pag umuwi ako ng puro gasgas? HAHAHAHAHA nooo. E kasi tatanga tanga pa naman ako sa mga ganon, srsly. Nung umaga, hindi gumana yung body clock ko. Siguro dahil hindi excited. Tapos nakakatawa talaga nung umaga, tinawag ako ni daddy sa kabilang kalsada. Sabi ko malelate na ako kasi 5:20 na! Tapos pagkatingin ko sa orasan, 4:20 pa lang. K. HAHAHAHAHAHA. Kaya nagtext text muna ako. Nun pumunta ako ng school, feeling ko ang laki nung gym bag ko. Pero buti nalang ang dami namin nakagym bag like yeah. Hahaha! Tapos laughtrip talaga ako dun sa flashlight ni Danelle e kasi yung pang concert na iba iba yung kulay. Wahahaha. Tapos ang gulo kung sino katabi ko. Una kasi kinontrata ko na si Hannah, tapos si Clarisse naman sabi kami daw. Tapos si Lance naman pinapatabi sakin si CJ. Jusko pwede bang si ano nalang katabi ko?! HAHAHAHAHAHA JOKE.
Nun nasa bus na katabi ko si Clarisse tapos nasa likod namin sila Lance at Cj tapos basta ang saya nung pwesto namin. Magkakalapit lang kasi kami nila toby, william, cj na lalaki, mark, limon, janica, jacob, hannah tapos yung iba pa na nakalimutan ko na. Andun din sila Carino tska Roberto. Basta puro magugulo tsaka maiingay sa pwesto namin sa bandang likod. Hahaha munggago talaga si toby nun binuksan yung bintana tapos ginagaya yung sa mga movies na tagaprobinsya na first time daw sa Manila. Tungunu HAHAHAHA.
Tapos yung tour guide namin, minsan pogi minsan silahis. Tapos una ang sabaw talaga nung mga jokes niya. Pero habang tumatagal lalo na nung uwian, humahavey na HAHAHAHA naalala ko yun ano daw gusto tawag samin. Puro ang kocorny nung mga sinasabi nung sa unahan. May pag BBA pa. Wtf. Tapos yung mga lalaki sa likod sumigaw ng KANORIANS daw. Tapos si kuyang tour guide di alam yun kaya yun nalang daw. Tapos ang keKJ nung sa unahan sabi bastos daw yun. Hahahaha pampers nalang tuloy tawag samin. "Pampers!" "Wi! wi!"
Nung medyo tumahimik na saglit naririnig ko si toby inaaaway yung jowa niya sa cellphone. Tapos nakita pa namin ni claris sila lance at cj na miski natutulog pda padin. Oh kabog. Tapos ang tahimik na nun. Wala na din ako magawa kasi wala na akong makausap nun kaya natulog na lang din ako. Ginising lang ako nung nasa stop over na. Linibre kami ni Carl ng Chow Fan kasi nagugutom kami at nakita namin siya. Hahaha!
Pagbalik sa bus di na ako makatulog ulit. Tapos nagpapalaro si kuyang tour guide. Tapos kaming nasa likod mga unang nakakagets nung daya. Kaya kami yung mga maiingay nun. Tapos natulog na lang ulit ako. Nagising ako medyo malapit na kami sa it namin.
Pagdating dun ang baho. Hahaha! Tapos medyo warm up muna. Tapos paakyat na kami, lagi kami ni Janica nahuhuli kasi nadudulas nga kami onte. Tapos di talaga ako sanay sa ganun HAHAHAHA tapos nang iinis pa samin si Limon na halata daw kami ni Janica na wala pang nadadaanan na ganun. E jusko wala naman kasi kaming probinsya diba.
Nung nag aantay kaming pumasok sa kweba. Nagbuddy buddy. E nakita ko nun si Jaymar at William. Langya. Nagpasama ako sakanila. Tapos si Jaymar nakuha na nung iba kaya kami nalang ni William magkasama. Tapos feeling ko mukha akong senior citizen na nakahawak sa isang boy scout. Ayun buti nalang pag nadudulas ako onti, nahihila agad ako ni William. Pero kung napasama yun sa mga dulas ko laughtrip siguro. HAHAHAHAHA.
Tapos pag yung mga paakyat may formation kami. Odiba. Si jasmelle mauuna tapos gitna ako tapos sa likod ko si William. Lagi yun. Hahahaha! Tapos talo namin sila Lance at Cj makapag holding hands. E kasi nga magnet ako sa mga dulas kaya lagi ako hawak ni William. Unang kweba lang naman may thrill eh. E kasi may mga spots na kelangan mo talaga yumuko o kaya gumilid.
Pagbalik sa bus lininis ko yun shoes ko. Tapos naglunch tapos pumunta na sa park. Una namin talaga pinuntahan eh yung parang kweba na bababaan mo tapos hanggang bewang yung tubig. E si Carino nagpalagay ng wallet tsaka cellphone sa bag ko. Kaya siya nagdala nung bag ko. Hahahaha! Tapos nakakatakot dun e kasi wala talaga ako makita na pwedeng apakan. Naipit pala yung paa ko dun sa bato buti walang sugat. E kasi parang tanga si Carino at Toby. Hinihila ako.
Nung nakalagpas na kami dun deretso na dun sa semi malinis na batis. Tapos bigla akong hinila at dinaganan ni Kim. WTFFFF. Yung parang lusong pero hindi totally ganun. Tapos nagulat talaga ako nun kasi hindi ako nakasando kaya! Tapos magsi-see through pa yung PE tshirt ko. Mabuti sana kung white yung ano ko eh, E kaso black. Fuck. E kahit ba yung ibang babae lampake kahit see through na damit nila at colored pa ang mga bra. Duhh ang pangit kaya tingnan.
Laughtrip talaga yung mga boys ng bus namin eh. Kasi pinagtripan nila si CJ na lalaki. Tinanggal yung jogging pants tapos binuhat nila pataas. Mga munggago eh. Tapos naghahanap kami ng chempo ni Sheena na gantihan si Kim. Wala, masyadong malaki di namin carry daganan ni Sheena eh. Kami pa yung lagi nahuhulog eh. HAHAHAHA tapos medyo matagal kami dun.
Lilipat na kami dun sa hanging bridge na di naman totally hanging bridge. Nakakatakot talaga na hanging bridge eh yung sa Cebu eh. Yung dun parang mas nakakatakot pa yung sa C6 na tulay eh. HAHAHAHAHA. Habang naglalakad kasama ko si Carino. Paker naiihi talaga ako. Sabi ko sakanya secret lang namin na iihi ako sa batis na next na pupuntahan! HAHAHAHAHA tapos sabi niya ayos lang daw yun kasi naagos naman. lol.
Tapos nung andun na kami sa brown na batis. Di ako maihi ihi. E kasi di ako sanay na umihi kung saan saan. Kaya pinigil ko nalang ulit. Di ako masyadong nagswimming dun kasi humahawa sa damit. Pero nakipaglaro kami sa mga Galiton. Tapos panalo kami. Whooooo hahahaha!
Pagkatapos nun naligo kami. Ay onti lang pala kami. Yung iba nagpalit lang ng damit. Kota yung mga bahay dun eh. 20 pesos kada isa. Eh ilan halos kami, negosyo eh. Tapos ayun tawa lang kami ng tawa ni Hannah sa CR dahil nga di namin expected na ganun. Tapos antayin ko daw sa tumblr post niya. wahahahaha.
Pagbalik ng bus kumain lang kami dun. Tapos pagbalik ni claris, kinikilig. Magkasama daw kasi sila ni kuya edbert. bwahahahaha. Tapos ayun text nalang din ako. Tapos sinara namin yun sa kurtina para kunwari madilim. HAHAHAHAHA pagkagising ko namimilipit ako sa lamig. Tapos nagkasya ako sa jacket ko tapos hati din kami ni claris sa kumot niya. Pinapapatay ko yung aircon kay cj. Tapos nakakabobo talaga. HAHAHAHAHA ayun.
Nung nagstop over ulit kami sa Petron. Pumunta kami ni Kim sa KFC. Tapos yung crew dun may hawig kay Abra. Whooo. HAHAHAHAHA! Tapos nun pabalik na kami sa bus dapat magpa-pancake house kami. E kaso pinapabalik na nga. Tapos sumakay na siya. Tapos ako nawala pa. HAHAHAHA! Tapos di ko talaga mahanap. Tapos bumalik ako sa kfc dahil naalala ko na andun si jaymar. Tapos nung pabalik na ulit kami nakita namin yun bus. Yehey!
Natulog nalang ulit ako dahil pauwi na nga. Nakakarindi pa yung sound effects nung Resident Evil. Tapos medyo nagising ako. Pagkagising ko ang bango. Tapos sila William sa likod nakanta nung "kahit maputi na ang buhok ko" Tapos pagkakita ko puro pulbo yung jacket ko. Walangya nalagyan ako ng pulbo sa buhok. Pero ayos lang yun kesa naman sa nachos kay Jacob. HAHAHAHA.
Tapos ang saya talaga. Sa bus man o kaya sa labas. Whoooo sana may part 2!!!