Writing War Project woke my sleeping highschool self na gustong maging manunulat. I have always neglected that part of myself not until I came across TheCatWhoDoesntMeow. Nasimulan kong kahiligan ang magbasa noong highschool pa lamang ako. I mostly read those famous novels dahil iyon lang ang nahihiram ko sa aking mga kaibigan, not being able to afford to buy my own. Hanggang sa natuto akong magdownload kahit na illegal. Hanggang sa na-guilty ako kaya itinigil ko. Hanggang sa nagsawa akong magbasa. Nabaling ang atensyon ko sa mga pelikula at mga series, pag-aaral at trabaho pero nagpanghanap muli ako ng mga librong babasahin dahil na-miss kong iyakan ang mga letra. Nothing seems to satisfy me anymore pero nahanap ko ang sarili sa Wattpad. Isang araw, matapos ko basahin ang Love Is Dead ni TheCatWhoDoesntMeow, natagpuan ko ang sarili na walang tulog kakabasa sa halos lahat ng gawa niya. Then came Writing War 1. It sparked my interest kahit na on the outside, pinagkikibit ko lang ito ng balikat. Tapos bigla na lang akong nagcontemplate kung isusumite ko na ba ang nagawa kong teaser. Just when did I make this teaser? I spent my nights writing my short novel. It's not even that great. Ang laking kulang. Bitin at walanv impact ang conflict pero masaya akong napagbigyan ko na ang aking nakaraang sarili. I should have done this a long time ago. How long have I deprived myself from the satisfaction of creating? After I finished A Countless Miss For One That Hits, heto ako ngayon, cooking up another story. Nakakakilig. I thought I was not at all creative. I finally found my art.








