An Open Letter
Hey, Kumusta kana? It's been weeks since we last saw each other. It's been months since nagsimula kang maging iwas. Sa pagkakaalala, mainit yung panahon diba, pero bakit ang naiwan yang puso mo sa lamig ng nakaraang mga buwan? Siguro nga, you've never saw me as someone more than anybody else or even someone you'll even consider special. It's okay. I'm already fine with your presence. Yung tipong alam kong andyan ka, yung nakakausap, yung nakakasama. Kadamay, nasasandalan. Yun lang sapat na e. I don't expect anything in return. Pinili ko to, so sabi nga nila, "pag nasaktan ka dyan, wag kang iiyak iyak samin" Di naman maipipilit ang di talaga dapat. Dahil una sa lhat, at risk ang pagkakaibigan, o pwedeng dahil takot. Takot, takot sa commitment, takot makasakit, o takot umamin sa sarili. Sa nararamdaman. Takot aminin sa sarili na ganun nadin nararamdaman kase alam mong di sinadya na mahulog, kase di sya ung taong ineexpect mong mahuhulog ka. Takot sa pwedeng kahinatnan ng isang hakbang. Isang maling hakbang, pwedeng mawasak o masira lhat. Pero di naman masamang sumubok, o magrisk. Mas maganda ng sumubok kesa never at all. Mas mahirap na magregret. Everything may be broken, may disappear, or may be lost. Unfortunately, lahat ng kinatatakutan, nangyari. I'm so sorry. In this game of love, I lost. I lost because I fell. I fell in love. Oo na, Minahal na kita at naging totoo na. Di sayda. But I did. That's why I'm leaving. Kung parehas ung nararamdaman, saka moko balikan, pero slamat kung ganon. Pero pasensya na, aalis ako, di para sayo kundi para sakin. Kailangan ko pang matutunan na mahalin pa ung sarili ko to be able to give a better kind of love, Pero, realistic ako, Alam kong di parehas ung nararamdaman at tanggap ko yun, kaya nga eto ako, nagpapaalam. I know. I know i can never be her. Mula pa naman noon, kinwento mo naman na. Alam ko, siya talaga. Masakit man but it is the right thing to do. Di na kita papahirapan pa, Sa pag-iwas, pag iisip what to do with me, sa pagooverthink, sa pagisip pano di magiging awkward, pra di naka mahirapan sa pagsasabing hanggang kaibigan lang talaga o sa "hindi ako handa" at "ayokong makasakit" mong scenario. Kaya ako na yung lalayo. Makakaasa ka na di kana titignan from afar, di kana ichachat o itetext, na di kana guguluhin, na di kana kukulitin at aasarin. Makakaasa ka na parang hangin lang akong mawawala at sna kasabay ng hangin, ay maihip din neto ung nararamdaman ko para sayo, para mawala nalang to kase ang hirap hirap dalhin at ang sakit sakit ng maramdaman. Mas gusto ko ngang isipin mo nalang na napagod ako sayo, na tinigilan ko nalang kase nagsawa ako, o ayaw nalang kitang kausapin bigla kesa malaman mong ganito. Alam ko, alam mo. Ramdam mo sguro kaya ganyan naging treatment mo sakin. Ayos lang, mas naging madali para sakin at para sayo nadin. Salamat sa mga panahong andyan ka nung lugmok ako sa sakit at kirot sa puso mula kay "nakaraang binalikan ung one great love niya," Salamat kase andyan ka na kinukulit ko habang tinatanggal ko sa katawan ko yung antok para makatapos ng report, Salamat sa panahon na stressed ako at ikaw ung stress reliever ko. Salamat kase alam kong andyan ka, di moko pinabayaan. Salamat kase madalas kong ramdam na may nagpapahalaga at nagmamahal sakin. Hindi mo kailangang sumagot sa mga sinabi ko, but whenever you are ready, you know where to find me. Pero sa ngayon, magpakasaya ka, mahalin mo sarili mo. Di siguro ngayon ung tamang oras para magkausap tayo. Pero malay natin, in the future. Salamat sa mga magagandang alala. Maging masaya ka lang kase alam mong mas masaya ako pag ayos ka. Masaya na din ako. Malaya kana, mahal na mahal kita. ❤️















