Isa sa mga pinagkakaabalahan ko ngayon ay ang pagsusulat sa wattpad. Kapag nagsusulat kasi ako, feeling ko nae-express ko yung sarili ko. Kahit puro kalokohan lang ang sinusulat ko. Haha.
A Deal Of Love is our first story. Matagal na namin pinlano ni Ate Sasa (my co-writer) na gumawa ng fan fiction sa wattpad na dedicated sa pinakamamahal namin na love team, which is GaLor.
Yung time kasi na ‘yon, sobrang nangungulila kami sa kanila. 2009 pa noong huli silang nagkasama kaya uhaw na uhaw na ang aming fan girl spirits. Lol. Hahaha.
So iyon nga, ang A Deal Of Love ay tungkol sa dalawang tao na nagmamahalan ngunit nasira dahil sa kasinungalingan. Vicky (portryed by Lorna Tolentino) was left broken by Gabriel (Gabby Concepcion). Kaya si ate girl, nagplanong maghiganti sa lalaking nanakit sa kanya. Pero bandang huli, it seems like, she fell on her own trap. Siya ang nahulog muli sa taong minsan siyang sinaktan. Sa buhay pala natin, pwede tayong mahulog nang dalawang beses sa parehong tao nang hindi natin inaasahan. We are now working on the 74th chapter. Team ToRiel nga ba hanggang sa huli? Let’s see.. Malapit na namin matapos 'to and sobrang happy kami. Hihihi. Hanggang Chapter 75 lang siya, then Epilogue. Tapos, finish na! Yehey! Mamimiss ko ang kasungitan ni Vicky at ang kayabangan ni Gabriel. Huhuhu. Sa mga di pa nakakabasa ng A Deal Of Love, basahin niyo na please? 😂
Ang GaLor Anthology naman, compilation ito ng mga short stories, AU, at kung anu-ano pang kabaliwan na naiisip ko para sa GaLor. Mayroon ditong AU ng A Deal Of Love. Short stories na bunga ng malupit kong imagination. What if sa love life ng GaLor. Ganoin! Haha. Maloloka kayo sa mga sinusulat ko dito dahil puro kalokohan.
Minsan, nagsulat ako ng short story about sa dalawang bata na nagkakilala sa tabing ilog. As in, opposite sides sila ng ilog. Napagkwentuhan kasi namin once ni Ate Sasa na kung what if nasa magkabilang ilog lang kami at doon kami nag-uusap. And boom! Sa Kabilang Ilog’s idea popped up on my head. Hahahaha. 😂😂😂
Sa mga readers namin, salamat sa pagsuporta sa kalokohan namin! Mahal namin kayo guys! Happy 41K reads for ToRiel! And Happy 1K reads for GaLor Anthology! Sana di kayo magsawa sa pagsuporta sa amin.
Gusto niyo ba ng another story? Soon! 😆














